Bago natin isaalang-alang kung ano ang nangyayari sa isang tao sa kamatayan, atin munang alamin kung paano nilalang ang tao.
1. Ang tao ba’y nag-evolved lamang, o siya’y nilalang ng Diyos?
Genesis 1:26 At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis…
Genesis 1:27 At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.
2. Sa paglalang sa tao, anong pangkaraniwang mga sangkap ang ginamit ng Diyos?
Genesis 2:7 At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa…
Genesis 3:19 Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka’t diyan ka kinuha: sapagka’t ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi.
Natuklasan ng mga siyentipiko na ang mga elementong bumubuo sa katawan ng tao ay kapareho ng matatagpuan sa lupa.
3. Matapos anyuan ng Diyos ang tao mula sa alabok ng lupa, ano ang Kaniyang idinagdag? Ano ang naging bunga?
Genesis 2:7 At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay.
4. At sapagkat ang ALABOK + HININGA NG BUHAY = KALULUWANG BUHAY, anong mangyayari kapag may bahaging nawala?
Santiago 2:26 Sapagka’t kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, ay gayon din ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay.
Sang-ayon sa Strong’s Concordance, ang mga salitang “hininga” at “Espiritu” ay malapit na magka-ugnay at sa maraming pagkakataon ay magkasingkahulugan. Ang “hininga” ay nangangahulugang – hiningang mahalaga sa buhay, ang “espiritu” ay nangangahulugang – hininga ng buhay, at ang “kaluluwa” ay nangangahulugang – isang nilalang na humihinga.
5. Ano ang mangyayari sa kaluluwang may buhay kapag namatay?
Awit 104:29 Iyong ikinukubli ang iyong mukha, sila’y nangababagabag; iyong inaalis ang kanilang hininga, sila’y nangamamatay, at nagsisibalik sa kanilang pagkaalabok.
Ecclesiastes 12:7 At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang diwa ay mababalik sa Dios na nagbigay sa kaniya.
Karagdagang pag-aaral:
Ecclesiastes 3:20 Lahat ay nagsisiyaon sa isang dako; lahat ay buhat sa alabok, at lahat ay nangauuwi sa alabok uli.
6. Kung ang nagbibigay-buhay na hininga/espiritu ay bumabalik sa Diyos sa kamatayan, ito ba’y nananatiling may-malay?
Ecclesiastes 9:5 Sapagka’t nalalaman ng mga buhay, na sila’y mangamamatay: nguni’t hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka’t ang alaala sa kanila ay nakalimutan.
Awit 115:17 Ang patay ay hindi pumupuri sa Panginoon, ni sinomang nabababa sa katahimikan.
Awit 146:4. Ang hininga niya ay pumapanaw, siya’y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa; sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip.
Karagdagang pag-aaral:
Isaias 26:14 Sila’y patay, sila’y hindi mabubuhay; sila’y namatay, sila’y hindi babangon: kaya’t iyong dinalaw at sinira sila, at pinawi mo ang lahat na alaala sa kanila.
At kung paanong walang buhay o malay bago isilang, gayun din naman sa kamatayan.
7. Ayon sa Biblia, saan maihahalintulad ang kamatayan?
Deuterenomio 31:16 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito, ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga magulang…
Daniel 12:2 At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba’y sa walang hanggang buhay, at ang iba’y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.
Gawa 2:29 Mga kapatid, malayang masasabi ko sa inyo ang tungkol sa patriarkang si David, na siya’y namatay at inilibing, at nasa atin ang kaniyang libingan hanggang sa araw na ito.
Gawa 2:34 Sapagka’t hindi umakyat si David sa mga langit…
Karagdagang pag-aaral:
Awit 13:3 Iyong bulayin, at sagutin mo ako, Oh Panginoon kong Dios: liwanagan mo ang aking mga mata, baka ako’y matulog ng tulog na kamatayan.
1 Hari 1:21 Sa ibang paraa’y mangyayari, na pagka ang aking panginoon na hari ay natutulog na kasama ng kaniyang mga magulang, na ako at ang aking anak na si Salomon ay mabibilang sa mga may sala.
Gawa 13:36 Sapagka’t si David, nang maipaglingkod na niya sa kaniyang sariling lahi ang pasiya ng Dios, ay natulog, at isinama sa kaniyang mga magulang, at nakakita ng kabulukan.
1 Corinto 11:30 Dahil dito’y marami sa inyo ang mahihina at mga masasaktin, at hindi kakaunti ang nangatutulog.
8. Ano ang tawag ni Jesus sa kamatayan?
Juan 11:11 Ang mga bagay na ito’y sinalita niya: at pagkatapos nito’y sinabi niya sa kanila, Si Lazaro na ating kaibigan ay natutulog; nguni’t ako’y paroroon, upang gisingin ko siya sa pagkakatulog.
Juan 11:12 Sinabi nga ng mga alagad sa kaniya, Panginoon, kung siya’y natutulog, ay siya’y gagaling.
Juan 11:13 Sinalita nga ni Jesus ang tungkol sa kaniyang pagkamatay: datapuwa’t sinapantaha nila na ang sinalita ay ang karaniwang pagtulog.
Juan 11:14 Nang magkagayon nga ay sinabi sa kanila ni Jesus ng malinaw, Si Lazaro ay patay.
9. Nang si Estaban ay batuhin, ano ang sinasabi ng Biblia na ginawa niya?
Gawa 7:60 At siya’y nanikluhod, at sumigaw ng malakas na tinig, Panginoon, huwag mong iparatang sa kanila ang kasalanang ito. At pagkasabi niya nito, ay nakatulog siya.
10. Nagtungo ba si Jesus sa langit pagkamatay Niya?
Juan 20:17 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka’t hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni’t pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.
Ang pakikipagtagpo na ito kay Maria Magdalena ay naganap Linggo ng umaga pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Jesus. Sa mga oras ng Sabbath, si Jesus ay nagpahinga (natulog) sa libingan.
11. Maraming pagkakataong dinalaw ni Jesus sina Lazaro, Maria, at Marta. Ano ang pagka-unawa ni Marta tungkol sa kinaroroonan ng kaniyang kapatid nang ito’y mamatay?
Juan 11:24 Si Marta ay nagsabi sa kaniya, Nalalaman ko na siya’y magbabangon uli sa pagkabuhay na maguli sa huling araw.
Nauunawaan ni Marta na ang patay ay babalik lamang sa buhay kapag ang katawan at hininga ay muling nagsama. Apat na araw ng patay si Lazaro nang siya’y buhaying muli ni Jesus (Juan 11:39), at kapansin-pansin, na wala na siyang sinabi kung saan siya nanggaling. Hindi ba ito’y panlilinlang, kung buong kasiyahan na niyang tinatamasa ang langit sa loob ng apat na araw, upang pagkatapos ay makita lamang ang sarili niyang narito muli sa lupa?
Juan 11:39 Sinabi ni Jesus, Alisin ninyo ang bato. Si Marta, na kapatid niyaong namatay, ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, sa ngayon ay nabubulok na ang bangkay sapagka’t may apat na araw nang siya’y namamatay.
12. Saan naroon ang mga patay sa pagdating ni Jesus?
Juan 5:28 Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka’t dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig,
Juan 5:29 At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol.
Karagdagang pag-aaral:
Job 14:12 Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon: hanggang sa ang langit ay mawala, sila’y hindi magsisibangon, ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog.
Job 14:13 Oh ikubli mo nawa ako sa Sheol. Na ingatan mo nawa akong lihim hanggang sa ang iyong poot ay makaraan, na takdaan mo nawa ako ng takdang panahon, at iyong alalahanin ako!
Job 14:14 Kung ang isang tao ay mamatay, mabubuhay pa ba siya? Lahat ng araw ng aking pakikipagbaka ay maghihintay ako, hanggang sa dumating ang pagbabago.
Juan 14:1 Huwag magulumihanan ang inyong puso: magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin.
Juan 14:2 Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka’t ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan.
Juan 14:3 At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.
Ang Biblia ay tumutukoy tungkol sa dalawang pagkabuhay na mag-uli, na magiging paksa sa iba pang aralin.
13. Tayo ba’y may kamatayan o walang kamatayan?
Job 4:17 Magiging ganap pa ba ang taong may kamatayan kay sa Dios? Lilinis pa ba kaya ang tao kay sa Maylalang sa kaniya?
Roma 6:12 Huwag ngang maghari ang kasalanan sa inyong katawang may kamatayan, upang kayo’y magsisunod sa kaniyang mga pita.
14. Binibigyang kahulugan ng diksyonaryo ang salitang mortal bilang “nasa ilalim ng kamatayan, nakatakdang mamatay”. Ano ang sinasabi ng Biblia na mangyayari sa isang mortal na kaluluwa (humihingang kaluluwa) na nagkakasala?
Ezekiel 18:4 Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay.
Ezekiel 18:20 Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay…
Karagdagang pag-aaral:
Awit 33:19 Upang iligtas ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at upang ingatan silang buhay sa kagutom.
Mateo 26:38 Nang magkagayo’y sinabi niya sa kanila, Namamanglaw na lubha ang kaluluwa ko, hanggang sa kamatayan: mangatira kayo rito, at makipagpuyat sa akin.
15. Sino lamang ang walang kamatayan?
1 Timoteo 6:14 Na tuparin mo ang utos, na walang dungis, walang kapintasan hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesucristo:
1 Timoteo 6:14 Na siya lamang ang walang kamatayan…
1 Timoteo 1:17 Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa.
Karagdagang pag-aaral:
Hebreo 13:8 Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.
16. Magagawa ba ng isang tao na hindi mamatay? Kung maaari, paano at kailan?
2 Timoteo 1:10 Nguni’t ngayon ay nahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Tagapagligtas na si Cristo Jesus, na siyang nagalis ng kamatayan, at nagdala sa liwanag ng buhay at ng walang pagkasira sa pamamagitan ng evangelio.
1 Corinto 15:51 Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog, nguni’t tayong lahat ay babaguhin,
1 Corinto 15:52 Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin.
1 Corinto 15:53 Sapagka’t kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.
1 Corinto 15:54 Datapuwa’t pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan.
1 Tesalonica 4:16 Sapagka’t ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;
1 Tesalonica 4:17 Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man.
Karagdagang pag-aaral:
Filipos 3:20 Sapagka’t ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo:
Filipos 3:21 Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya.
Magagawa ng Diyos na ingatan ang ating katangian at pagkatao hanggang sa mabigyan tayo ng bagong katawan na ating tatanggapin sa muling pagparito ni Jesus.
17. Ang kawalang-kamatayan ba ay ipagkakaloob parehong sa matuwid at sa masama?
Roma 6:23 Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
Apocalipsis 22:11 Ang liko, ay magpakaliko pa: at ang marumi, ay magpakarumi pa: at ang matuwid, ay magpakatuwid pa: at ang banal, ay magpakabanal pa.
Apocalipsis 22:12 Narito, ako’y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa’t isa ayon sa kaniyang gawa.
Karagdagang pag-aaral:
Roma 2:6 Na siya ang magbibigay sa bawa’t tao ayon sa kaniyang mga gawa:
Roma 2:7 Sa mga nagsisipagtiyaga sa mabubuting gawa sa paghanap ng kaluwalhatian at puri at ng di pagkasira, ay ang buhay na walang hanggan:
Roma 2:8 Datapuwa’t ang sa mga palaaway, at mga hindi nagsisitalima sa katotohanan, kundi bagkus nagsisisunod sa kalikuan, ay ang kagalitan at kapootan,
18. Kung ang masasama ay hindi bibigyan ng kawalang-kamatayan, ano naman ang katuruan tungkol sa walang hanggang pagsunog sa impierno?
Ito’y isang magandang katanungan na sasaklawin ng detalyado sa iba pang aralin.
“Ang aral na nagsasabing may malay ang tao kung siya’y mamatay, lalo na ang paniniwalang ang mga espiritu ng nangamatay ay bumabalik upang maglingkod sa mga nabubuhay, ay siyang nagbukas ng daan para sa espiritismo sa kasalukuyan. Narito ang daang ipinalalagay na banal, na sa pamamagitan nito’y itinataguyod ni Satanas ang kanyang mga layunin. Ang mga anghel na nagkasala na siyang tumatalima sa kanyang mga ipinag-uutos ay napakikitang tulad sa mga sugong mula sa sanlibutan ng mga espiritu. Samantalang nagpapanggap ang prinsipe ng kasamaan na maaaring makausap ng mga buhay ang mga patay, pinagagawa naman niya ang kanyang mapanghalinang kapangyarihan sa kanilang mga pag-iisip.
“Siya’y may kapangyarihang magharap sa mga tao ng kamukha ng kanilang yumaong kaibigan. Ang panghuwad ay walang pagkukulang; ang anyo, pangungusap, at pati tinig, ay napalalabas sa kahanga-hangang kaliwanagan. Marami ang naaaliw sa pangako, na ang kanilang pinakaiibig ay nagtatamasa ng katuwaan sa kalangitan; at di-naghihinalang may panganib, ay nakikinig sila sa “mga magdarayang espiritu, at sa mga aral ng mga demonyo’.’’ -The Great Controversy, pages 551, 552.