Sa pag-aaral na ito ay ating susuriin ang propesiya ng mga kaharian ng mga tao na kinakatawan sa isang panaginip na ibinigay kay haring Nabucodonosor, ang dakila at ambisyosong hari ng Babilonia. Naniniwala siya na ang Babilonia ay mananatili magpakailanman, ngunit nais ng Diyos na malaman niya na hindi ito mananatili magpakailanman. Ibinigay ng Diyos ang panaginip at ang interpretasyon nito kay Nabucodonosor, hindi lamang upang malaman ng kaharian ng Babilonia, kundi upang malaman ng bawat hari na sumunod sa kanya, at upang malaman natin, na ang mga kaharian sa lupa ay pansamantala lamang, at kinakailangan na lumipas upang magbigay daan sa isang walang hanggang kaharian, ang kaharian ni Cristo, na hindi lilipas. Dinadala tayo ng panaginip na ito sa buong kasaysayan ng panahon magmula kay Daniel hanggang sa kasalukuyan. Ang araling ito ay nakatuon sa kung anong ating katatayuan sa kasalukuyang agos ng panahon.
1. Anong partikular na yugto ng panahon ang nais ng Diyos na ipaalam kay Haring Nabucodonosor?
Daniel 2:28 Nguni’t may isang Dios sa langit na naghahayag ng mga lihim, at siyang nagpapaaninaw sa haring Nabucodonosor kung ano ang mangyayari sa mga huling araw. Ang iyong panaginip, at ang pangitain ng iyong ulo sa iyong higaan ay ang mga ito:
Daniel 2:29 Tungkol sa iyo, Oh hari, ang iyong mga pagiisip ay dumating sa iyo sa iyong higaan, kung ano ang mangyayari sa panahong darating; at siya na naghahayag ng mga lihim ay ipinaaninaw sa iyo kung ano ang mangyayari.
2. Ano ang nakita ng hari sa kanyang nakakabagabag na panaginip?
Daniel 2:31 Ikaw, Oh hari, nakakita, at narito, ang isang malaking larawan. Ang larawang ito na makapangyarihan, at ang kaniyang kakinangan ay mainam, ay tumayo sa harap mo; at ang anyo niyao’y kakilakilabot.
Daniel 2:32 Tungkol sa larawang ito, ang kaniyang ulo ay dalisay na ginto, ang kaniyang dibdib at ang kaniyang mga bisig ay pilak, ang kaniyang tiyan at ang kaniyang mga hita ay tanso,
Daniel 2:33 Ang kaniyang mga binti ay bakal, ang kaniyang mga paa’y isang bahagi ay bakal, at isang bahagi ay putik na luto.
Daniel 2:34 Iyong tinitingnan hanggang sa may natibag na isang bato, hindi ng mga kamay, na tumama sa larawan sa kaniyang mga paang bakal at putik na luto, at mga yao’y binasag.
Daniel 2:35 Nang magkagayo’y ang bakal, ang putik na luto, ang tanso, ang pilak, at ang ginto ay nagkaputolputol na magkakasama, at naging parang dayami sa mga giikan sa tagaraw; at tinangay ng hangin na walang dakong kasumpungan sa mga yaon: at ang bato na tumama sa larawan ay naging malaking bundok, at pinuno ang buong lupa.
3. Ano ang kinakatawan ng ulo ng ginto?
Daniel 2:37 Ikaw, Oh hari, ay hari ng mga hari, na pinagbigyan ng Dios sa langit ng kaharian, ng kapangyarihan, at ng kalakasan, at ng kaluwalhatian;
Daniel 2:38 At alin mang tinatahanan ng mga anak ng mga tao, ng mga hayop sa parang at ng mga ibon sa himpapawid ay ibinigay sa iyong kamay, at pinapagpuno ka sa kanilang lahat: ikaw ang ulo na ginto.
Karagdagang pag-aaral:
Daniel 7:5 At, narito, ang ibang hayop, na ikalawa, na gaya ng isang oso; at lumitaw sa isang tagiliran, at tatlong tadyang ang nasa kaniyang bibig sa pagitan ng kaniyang mga ngipin: at sinabi ng mga ito ang ganito sa kaniya, Bumangon ka, manakmal ka ng maraming laman.
Sinasabi sa atin ng kasaysayan na ang Babilonia ay itinatag noong 626 B.C. ni Nabopolassar, ang ama ni Nabucodonosor, at ito ang namunong kapangyarihan sa sanlibutan hanggang sa pagkatalo nito noong 539 B.C.
4. Ano ang kinakatawan ng dibdib at mga bisig na pilak?
Daniel 2:39 At pagkatapos mo ay babangon ang ibang kaharian na mababa sa iyo…
Karagdagang pag-aaral:
Daniel 7:5 At, narito, ang ibang hayop, na ikalawa, na gaya ng isang oso; at lumitaw sa isang tagiliran, at tatlong tadyang ang nasa kaniyang bibig sa pagitan ng kaniyang mga ngipin: at sinabi ng mga ito ang ganito sa kaniya, Bumangon ka, manakmal ka ng maraming laman.
Ang Babilonia ay sinundan ng Medo-Persia sa ilalim ni Cyrus the Great noong 539 B.C. at ito ang namunong kapangyarihan sa sanlibutan hanggang noong 331 B.C. Para sa paglalarawan ng pagkatalo ng mga Medes at mga taga-Persia, basahin ang Daniel kapitulo 5.
5. Anong kaharian ang kinakatawan ng tiyan at hita ng tanso?
Daniel 2:39 at ang ibang ikatlong kaharian na tanso na magpupuno sa buong lupa.
Karagdagang pag-aaral:
Daniel 7:6 Pagkatapos nito’y tumingin ako, at narito ang iba, gaya ng isang leopardo, na mayroon sa likod niyaon na apat na pakpak ng ibon; ang hayop ay mayroon din namang apat na ulo; at binigyan siya ng kapangyarihan.
Noong 331 B.C., nakipaglaban si Darius III kay Alexander the Great sa labanan sa Arbela, at si Alexander the Great ang sumunod na naging pinuno ng sanlibutan. Para sa paglalarawan ng malaking labanang ito tingnan ang Daniel 8:1-8, 20-21. Ang imperio ng Grecia ay namuno hanggang noong168 B.C.
Daniel 8:1 Nang ikatlong taon ng paghahari ng haring Belsasar, ang isang pangitain ay napakita sa akin, sa aking si Daniel, pagkatapos noong napakita sa akin nang una.
Daniel 8:2 At ako’y may nakita sa pangitain: nangyari nga, na nang aking makita, nasa Susan ako na palacio, na nasa lalawigan ng Elam; at ako’y may nakita sa pangitain, at ako’y nasa tabi ng ilog Ulai.
Daniel 8:3 Nang magkagayo’y itiningin ko ang aking mga mata, at ako’y may nakita, at narito, tumayo sa harap ng ilog ang isang lalaking tupa na may dalawang sungay: at ang dalawang sungay ay mataas; nguni’t ang isa’y lalong mataas kay sa isa, at ang lalong mataas ay tumaas na huli.
Daniel 8:4 Aking nakita ang lalaking tupa na nanunudlong sa dakong kalunuran, at sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan; at walang hayop na makatayo sa harap niya, ni wala sinoman na makapagligtas mula sa kaniyang kamay; kundi kaniyang ginawa ang ayon sa kaniyang kalooban, at nagmalaking mainam.
Daniel 8:5 At habang aking ginugunita, narito, isang kambing na lalake ay nagmula sa kalunuran sa ibabaw ng buong lupa, at hindi sumayad sa lupa: at ang lalaking kambing ay may nakagitaw na sungay sa pagitan ng kaniyang mga mata.
Daniel 8:6 At siya’y naparoon sa lalaking tupa na may dalawang sungay na aking nakitang nakatayo sa harap ng ilog, at tinakbo niya siya sa kabangisan ng kaniyang kapangyarihan.
Daniel 8:7 At aking nakitang siya’y lumapit sa lalaking tupa, at siya’y nakilos ng pagkagalit laban sa kaniya, at sinaktan ang tupa, at binali ang kaniyang dalawang sungay: at ang lalaking tupa ay walang kapangyarihang makatayo sa harap niya; kundi kaniyang ibinuwal sa lupa, at kaniyang niyapakan siya; at walang makapagligtas sa lalaking tupa mula sa kaniyang kamay.
Daniel 8:8 At ang lalaking kambing ay nagmalaking mainam: at nang siya’y lumakas, ang malaking sungay ay nabali; at kahalili niyao’y lumitaw ang apat na marangal na sungay, sa dako ng apat na hangin ng langit.
Daniel 8:20 Ang lalaking tupa na iyong nakita, na may dalawang sungay, ang mga yaon ang mga hari sa Media at Persia.
Daniel 8:21 At ang may magaspang na balahibo na lalaking kambing ay siyang hari sa Grecia: at ang malaking sungay na nasa pagitan ng kaniyang mga mata ay siyang unang hari.
6. Anong kaharian ang kinakatawan ng mga binting bakal?
Daniel 2:40 At ang ikaapat na kaharian ay magiging matibay na parang bakal, palibhasa’y ang bakal ay nakadudurog at nakapagpapasuko ng lahat na bagay; at kung paanong dinidikdik ng bakal ang lahat ng ito, siya’y magkakaputolputol at madidikdik.
Karagdagang pag-aaral:
Daniel 7:7 Pagkatapos nito’y may nakita ako sa pangitain sa gabi, at, narito, ang ikaapat na hayop, kakilakilabot at makapangyarihan, at totoong malakas; at may malaking mga ngiping bakal; nananakmal at lumuluray, at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi: at kaiba sa lahat na hayop na una sa kaniya; at siya’y may sangpung sungay.
Daniel 7:8 Aking pinagdilidili ang mga sungay, at, narito, sumibol sa gitna ng mga yaon ang ibang sungay, isang munti, na sa harap niyao’y tatlo sa mga unang sungay ay nabunot sa mga ugat: at, narito, sa sungay na ito ay may mga mata na parang mga mata ng tao, at isang bibig na nagsasalita ng mga dakilang bagay.
Sinakop ng Roma, na kinakatawan ng mga binting bakal ang Grecia sa labanan sa Pydna noong 168 B.C. At ito ang nagharing kapangyarihan hanggang noong 476 A.D. nang lusubin ito ng mga barbaro mula sa hilaga at silangan; at ang Roma, ang bakal na monarkiya, ay nawasak magpakailanman. Si Jesus ay isinilang sa mga araw ng ikaapat na kaharian (Roma). Si Augustus Caesar ay ang emperador noon.
Lucas 2:1 Nangyari nga nang mga araw na yaon na lumabas ang isang utos mula kay Augusto Cesar, na magpatala ang buong sanglibutan.
7. Ano ang ating matututunan tungkol sa ikaapat na kahariang ito na kumakatawan sa mga paa at daliri ng larawan?
Daniel 2:41 At yamang iyong nakita na ang mga paa at mga daliri, ang isang bahagi ay putik na luto ng magpapalyok, at ang isang bahagi ay bakal, ay magiging kahariang hati; nguni’t magkakaroon yaon ng kalakasan ng bakal, yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahalo sa putik na luto.
Daniel 2:42 At kung paanong ang mga daliri ng paa ay bakal ang isang bahagi at ang isang bahagi ay putik, magkakagayon ang kaharian na ang isang bahagi ay matibay, at isang bahagi ay marupok.
Daniel 2:43 At yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahaluan ng putik na luto, sila’y magkakahalo ng lahi ng mga tao; nguni’t hindi sila magkakalakipan, gaya ng bakal na hindi lumalakip sa putik.
Sa mga pangitain ni Daniel sa gabi (Daniel 2:19; 7:1,2), ipinakita na pagkatapos ng Roma ay wala nang susunod pang mga imperio sa sanlibutan. Kung paanong ang bakal at putik ay bahagyang malakas at bahagyang mahina, gayon din ang mangyayari sa mga bansang bumubuo ng mga paa. Nang bumagsak ang Roma, nahati ang Europa sa sampung mga kaharian (na kumakatawan sa sampung mga daliri): (1) Alemanni (Germany), (2) Franks (France), (3) Burgundians (Switzerland), (4) Suevi (Portugal), (5) Anglo-Saxon (England), (6) Visigoths (Spain), (7) Lumbards (Italy), (8) Heruli, (9) Vandals, (10) Ostrogoths. Ang huling tatlo sa mga ito, na kumakatawan sa tatlong mga sungay na binunot sa mga ugat (Daniel 7:8), ay winasak ng kapangyarihan ng maliit na sungay (ang kapapahan) dahil sa kanilang pagsalungat sa mga maling aral at pag-aangkin ng papa sa Roma. Ang ika-7 kapitulo ng Daniel ay naglalarawan ng magkatulad at magkasunod na mga kaharian gaya ng Daniel 2, ngunit sa ibang pananalita at higit na detalye at na ito ay pinaghiwalay ng 65 taon. Sa halip na ang mga kaharian na kumakatawan sa iba’t ibang mga metal ng larawan, ang mga ito ay kumakatawan sa apat na mga hayop, ang ikaapat ay ang paganong Roma at nang maglaon ay naging ang papang Roma. Hindi na muna natin tatalakayin ng detalyado ang mga pag-aangkin ng kapapahan, ngunit ating ilalaan ang mga ito para sa mga susunod na aralin.
8. Paano sinasabi ng Bibliya na susubukan ng mga tao na muling papag-isahin ang bumagsak na imperio ng Roma?
Daniel 2:43 At yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahaluan ng putik na luto, sila’y magkakahalo ng lahi ng mga tao; nguni’t hindi sila magkakalakipan, gaya ng bakal na hindi lumalakip sa putik.
Nagkaroon na ng matinding mga pagsisikap upang hinangin ang mga bansa sa Europa, ang mga pagkakahati ng Roma, sa pamamagitan ng pag-aasawa nila sa iba’t ibang mga kaharian, na tinutukoy sa propesiya bilang paghahalo ng kanilang sarili sa “binhi ng mga tao”, ngunit sila ay nabigo. Sa pamamagitan ng puwersa, sinikap nina Charlemagne at Napoleon na magtayo ng nagkakaisang kaharian ngunit nabigo sila. Nito lamang mga lumipas na panahon, sina Kaiser Wilhelm (William II), at Adolf Hitler ay nagtangka rin subalit ito ay kanila ring ikinabigo. Kung minsan ang layuning ito na muling magka-isa ang Europa ay tila halos malapit nang maabot at walang alinlangan na muli nila itong sisikapin sa hinaharap, ngunit ang salita ng Diyos ay nagsasabi, “hindi sila magkakalakipan, gaya ng bakal na hindi lumalakip sa putik.”
9. Anong pangyayari ang magaganap sa mga araw ng mga hating kaharian na ito?
Daniel 2:44 At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng isang kaharian, na hindi magigiba kailan man, o ang kapangyarihan man niyao’y iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputolputulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito, at yao’y lalagi magpakailan man.
Ang susunod na kaharian na mangingibabaw sa kasaysayan ng sanlibutan ay ang kaharian ng Diyos na binanggit sa Daniel 2:34-35, ang batong natibag “hindi ng mga kamay”, ibig sabihin, hindi sa tulong o gawa ng tao. Dahil totoo na may kakayanan ang Diyos na ipaalam ang mga mangyayari sa hinaharap nang may 100% na katumpakan, totoo rin na maaari tayong maglagay ng 100% na pagtitiwala sa lahat ng mga pangako ng Kaniyang salita. Ang isa sa mga dahilan kung bakit nagbibigay ang Diyos ng propesiya ay upang matuto tayong magtiwala sa Kaniya nang tahasan para sa pagpapasakdal ng ating mga karakter, na magreresulta sa kaligtasan ng ating mga kaluluwa.
Daniel 2:34 Iyong tinitingnan hanggang sa may natibag na isang bato, hindi ng mga kamay, na tumama sa larawan sa kaniyang mga paang bakal at putik na luto, at mga yao’y binasag.
Daniel 2:35 Nang magkagayo’y ang bakal, ang putik na luto, ang tanso, ang pilak, at ang ginto ay nagkaputolputol na magkakasama, at naging parang dayami sa mga giikan sa tagaraw; at tinangay ng hangin na walang dakong kasumpungan sa mga yaon: at ang bato na tumama sa larawan ay naging malaking bundok, at pinuno ang buong lupa.
10. Malinaw na ating nakikita na tayo ay nabubuhay na sa mga huling araw bago ang ikalawang pagparito ni Jesus sa mga ulap ng langit (“Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa.” Apocalipsis 1:7), makatitiyak ba tayo na ang susunod na kaharian na itatayo ay ang kaharian na ni Cristo?
Daniel 2:45 Yamang iyong nakita na ang isang bato ay natibag sa bundok, hindi ng mga kamay, at pumutol ng mga bakal, ng tanso, ng putik, ng pilak, at ng ginto; ipinaalam ng dakilang Dios sa hari kung ano ang mangyayari sa haharapin: at ang panaginip ay tunay at ang pagkapaaninaw niyao’y tapat.
Karagdagang pag-aaral:
Daniel 7:27 At ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kadakilaan ng mga kaharian sa silong ng buong langit, mabibigay sa bayan ng mga banal ng Kataastaasan: ang kaniyang kaharian ay walang hanggang kaharian, at ang lahat na kapangyarihan ay maglilingkod at tatalima sa kaniya.
Mateo 25:31 Datapuwa’t pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo’y luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian.
Apocalipsis 21:5 At yaong nakaluklok sa luklukan ay nagsabi, Narito, ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay. At sinabi niya, Isulat mo: sapagka’t ang mga salitang ito ay tapat at tunay.
Apocalipsis 22:6 At sinabi niya sa akin, Ang mga salitang ito’y tapat at tunay, at ang Panginoon, ang Dios ng mga espiritu ng mga propeta, ay nagsugo ng kaniyang anghel upang ipakita sa kaniyang mga alipin ang mga bagay na kinakailangang mangyari madali.
11. Sino ang mga sakop at hindi sakop ng walang hanggang kaharian ng Diyos na hindi lilipas?
Apocalipsis 21:7 Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at ako’y magiging Dios niya, at siya’y magiging anak ko.
Apocalipsis 21:8 Nguni’t sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.
Karagdagang pag-aaral:
Galacia 5:19 At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,
Galacia 5:20 Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,
Galacia 5:21 Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.
2 Pedro 3:10 Datapuwa’t darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.
2 Pedro 3:11 Yamang ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw ng ganito, ano ngang anyo ng mga pagkatao ang nararapat sa inyo sa banal na pamumuhay at pagkamaawain,
2 Pedro 3:12 Na ating hinihintay at pinakananasa ang pagdating ng kaarawan ng Dios, na dahil dito’y ang sangkalangitan na nagniningas ay mapupugnaw, at ang mga bagay sa langit ay matutunaw sa matinding init?
2 Pedro 3:13 Nguni’t, ayon sa kaniyang pangako, ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, na tinatahanan ng katuwiran.
2 Pedro 3:14 Kaya nga, mga minamahal, yamang kayo’y nagsisipaghintay ng mga bagay na ito, ay pagsikapan ninyong masumpungan kayo sa kapayapaan, na walang dungis at walang kapintasan sa paningin niya.
Mateo 25:31 Datapuwa’t pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo’y luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian:
Mateo 25:32 At titipunin sa harap niya ang lahat ng mga bansa: at sila’y pagbubukdinbukdin niya na gaya ng pagbubukodbukod ng pastor sa mga tupa at sa mga kambing;
Mateo 25:33 At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwa’t sa kaliwa ang mga kambing.
Mateo 25:34 Kung magkagayo’y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan:
Mateo 25:35 Sapagka’t ako’y nagutom, at ako’y inyong pinakain; ako’y nauhaw, at ako’y inyong pinainom; ako’y naging taga ibang bayan, at inyo akong pinatuloy;
Mateo 25:36 Naging hubad, at inyo akong pinaramtan; ako’y nagkasakit, at inyo akong dinalaw; ako’y nabilanggo, at inyo akong pinaroonan.
Mateo 25:37 Kung magkagayo’y sasagutin siya ng mga matuwid, na mangagsasabi, Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, at pinakain ka namin? o nauuhaw, at pinainom ka?
Mateo 25:38 At kailan ka naming nakitang isang taga ibang bayan, at pinatuloy ka? o hubad, at pinaramtan ka?
Mateo 25:39 At kailan ka namin nakitang may-sakit, o nasa bilangguan, at dinalaw ka namin?
Mateo 25:40 At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa.
Mateo 25:41 Kung magkagayo’y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel:
Mateo 25:42 Sapagka’t ako’y nagutom, at hindi ninyo ako pinakain; ako’y nauhaw, at hindi ninyo ako pinainom;
Mateo 25:43 Ako’y naging isang taga ibang bayan, at hindi ninyo ako pinatuloy; hubad, at hindi ninyo ako pinaramtan; maysakit at nasa bilangguan, at hindi ako dinalaw.
Mateo 25:44 Kung magkagayo’y sila nama’y magsisisagot, na magsisipagsabi, Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom, o nauuhaw, o isang taga ibang bayan, o hubad, o may-sakit, o nasa bilangguan, at hindi ka namin pinaglingkuran?
Mateo 25:45 Kung magkagayo’y sila’y sasagutin niya, na sasabihin, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na yamang hindi ninyo ginawa sa maliliit na ito, ay hindi ninyo ginawa sa akin.
Mateo 25:46 At ang mga ito’y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan: datapuwa’t ang mga matuwid ay sa walang hanggang buhay.
“Mga daang taon bago nalagay ang mga bansa sa entablado ng buhay, ang Nakakaalam ng Lahat ay tumanaw sa mga kapanahunan at nakita Niya ang mga pagbangon at pagbagsak ng mga kahariang pambuong lupa. Inihayag ng Dios kay Nabucodonosor na ang kaharian ng Babilonia ay babagsak, at babangon ang isang ikalawang kaharian, na ito man ay dadanas ng pagsubok Sa hindi pagpaparangal sa tunay na Dios, ang kaluwalhatian nito ay kukupas, at ang ikadong kaharian ay kukuha ng kanyang lugar. Ito man ay lilipas din; at ang ikaapat, sindgas ng bakal, ang mamamayani sa mga bansa ng lupa.
Sa kasaysayan ng mga bansa ang mag-aaral ng salita ng Dios ay makikita ang literal na pagkatupad ng propesiyang ito ng langit. Ang Babilonia, nawasak at giba, ay lumipas sapagkat sa kanilang kasaganaan ang mga pinuno nito ay nag-isip nang hiwalay sa Dios, at iniukol ang kaluwalhadan ng kaharian sa pagsisikap ng tao. Ang kaharian ng Medo-Persia ay dinalaw ng galit ng Langit dahilan sa pagyurak nito sa kautusan ng Dios. Ang pagkatakot sa Panginoon ay hindi nasumpungan sa mga puso ng napakaraming bilang ng mga tao. Kasamaan, pamumusong, at kadwalian ay namayani. Ang mga sumunod na kaharian ay lalo pang masama; at ang mga ito ay lumubog na malalim sa pagsukat ng moralidad.
“… Dito ay ipinakikitang ang lakas ng mga bansa, at ng isahang tao, ay hindi matatagpuan sa mga pagkakataon o pasilidad na sa tingin ay larawan ng kanilang kapangyarihan; hindi rin sa kanilang ipinagmamalaking kadakilaan. Ito ay nasusukat sa katapatang dito ay ginaganap nila ang adhikain ng Dios.” -Prophets and Kings, pages 501, 502.