1. Ang unang anghel ay sinundan ng ikalawa, na nagpapahayag ng anong pabalita?
Apocalipsis 14:8 At ang iba, ang pangalawang anghel, ay sumunod na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kaniyang pakikiapid.
2. Saan nagmula ang terminong Babilonia, at ano ang ipinahihiwatig nito?
Genesis 11:4 At nagsipagsabi, Halikayo! Magtayo tayo ng isang bayan natin at ng isang moog, na ang taluktok niyaon ay aabot hanggang sa langit, at magtaglay tayo ng isang ngalan; baka tayo’y mangalat sa ibabaw ng buong lupa.
Genesis 11:7 Halikayo! tayo’y bumaba at diyan din ay ating guluhin ang kanilang wika, na anopa’t sila’y huwag magkatalastasan sa kanilang salita.
Genesis 11:9 Kaya ang pangalang itinawag ay Babel; sapagka’t doon ginulo ng Panginoon ang wika ng buong lupa: at mula roon ay pinanabog sila ng Panginoon sa ibabaw ng buong lupa.
Ang terminong “Babilonia” ay nagmula sa “Babel”, at ito ay nangangahulugan ng kalituhan. Ang dahilan kung bakit nilito ng Diyos ang mga wika ng mga tao ay dahil inutusan Niya silang kumalat sa buong lupa (Genesis 8:17; Genesis 9:1, 7) sa halip na magtipon sa isang malaking lungsod kung saan kasamaan ang magiging bunga nito, at dahil na rin sa hindi nila paniniwala sa pangako ng Diyos na hindi na muli Siya magpapadala ng baha sa lupa (Genesis 9:8-17).
Genesis 8:17 Ilabas mong kasama mo ang bawa’t may buhay na kasama mo sa lahat ng laman, ang mga ibon, at ang mga hayop, at ang bawa’t nagsisiusad na umuusad sa ibabaw ng lupa; upang magsipanganak ng sagana sa lupa, at magpalaanakin, at mangagsidami sa ibabaw ng lupa.
Genesis 9:1 At binasbasan ng Dios si Noe at ang kaniyang mga anak, at sa kanila’y sinabi, Kayo’y magpalaanakin, at magpakarami at inyong kalatan ang lupa.
Genesis 9:7 At kayo’y magpalaanakin at magpakarami; magsilago kayo ng sagana sa lupa, at kayo’y magsidami riyan.
Genesis 9:8 At nagsalita ang Dios kay Noe, at sa kaniyang mga anak na kasama niya, na sinasabi,
Genesis 9:9 At ako, narito, aking pinagtitibay ang aking tipan sa inyo, at sa inyong binhi na susunod sa inyo;
Genesis 9:10 At sa bawa’t nilikhang may buhay na kasama ninyo, ang mga ibon, ang hayop at bawa’t ganid sa lupa na kasama ninyo; sa lahat ng lumunsad sa sasakyan pati sa bawa’t ganid sa lupa.
Genesis 9:11 At aking pagtitibayin ang aking tipan sa inyo; ni hindi ko na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa.
Genesis 9:12 At sinabi ng Dios, Ito ang tanda ng tipang ginawa ko sa inyo, at sa bawa’t kinapal na may buhay na kasama ninyo sa buong panahon:
Genesis 9:13 Ang aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap, at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa.
Genesis 9:14 At mangyayari, pagka ako’y magbababa ng isang alapaap sa ibabaw ng lupa, na makikita ang bahaghari sa alapaap.
Genesis 9:15 At aalalahanin ko ang aking tipan, na inilagda ko sa akin at sa inyo, at sa bawa’t kinapal na may buhay sa lahat ng laman; at ang tubig ay hindi na magiging bahang lilipol ng lahat ng laman.
Genesis 9:16 At ang bahaghari ay pasa sa alapaap, at aking mamasdan, upang aking maalaala, ang walang hanggang tipan ng Dios at ng bawa’t kinapal na may buhay sa lahat ng lamang nasa ibabaw ng lupa.
Genesis 9:17 At sinabi ng Dios kay Noe, Ito ang tanda ng tipang inilagda ko sa akin at sa lahat ng laman na nasa ibabaw ng lupa.
3. Sa ano inihalintulad ng Diyos ang Kaniyang tapat na bayan?
Jeremias 6:2 Ang maganda at maayos na babae, ang anak na babae ng Sion, ihihiwalay ko.
Jeremias 51:16 Paglalakas niya ng kaniyang tinig, nagkaroon ng kagulo ng tubig sa langit, at kaniyang pinailanglang ang mga singaw mula sa mga wakas ng lupa: kaniyang iginawa ng mga kidlat ang ulan, at inilabas ang hangin mula sa kaniyang mga imbakan.
Karagdagang pag-aaral:
Apocalipsis 12:1 At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit: isang babae na nararamtan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa, at sa kaniyang ulo ay may isang putong na labingdalawang bituin;
Apocalipsis 12:2 At siya’y nagdadalang tao; at siya’y sumisigaw, na nagdaramdam sa panganganak, at sa hirap upang manganak.
Apocalipsis 12:3 At ang ibang tanda ay nakita sa langit: at narito, ang isang malaking dragong mapula, na may pitong ulo at sangpung sungay, at sa kaniyang mga ulo’y may pitong diadema.
Apocalipsis 12:4 At kinaladkad ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit, at ipinaghagis sa lupa: at lumagay ang dragon sa harapan ng babaing manganganak na, upang lamunin ang kaniyang anak pagkapanganak niya.
Apocalipsis 12:5 At siya’y nanganak ng isang anak na lalake, na maghahari na may panghampas na bakal sa lahat ng mga bansa: at ang kaniyang anak ay inagaw na dinala hanggang sa Dios, at hanggang sa kaniyang luklukan.
Apocalipsis 12:6 At tumakas ang babae sa ilang, na doon siya’y ipinaghanda ng Dios ng isang dako, upang doon siya ampuning isang libo dalawang daan at anim na pung araw.
Apocalipsis 12:13 At nang makita ng dragon na siya’y inihagis sa lupa, ay inusig niya ang babaing nanganak ng sanggol na lalake.
Apocalipsis 12:14 At sa babae’y ibinigay ang dalawang pakpak ng agilang malaki, upang ilipad sa ilang mula sa harap ng ahas hanggang sa kaniyang tahanan, na pinagkandilihan sa kaniyang isang panahon, at mga panahon, at kalahati ng isang panahon.
Apocalipsis 12:15 At ang ahas ay nagbuga sa kaniyang bibig sa likuran ng babae ng tubig na gaya ng isang ilog, upang maipatangay siya sa agos.
Apocalipsis 12:16 At tinulungan ng lupa ang babae, at ibinuka ang kaniyang bibig at nilamon ang ilog na ibinuga ng dragon sa kaniyang bibig.
Apocalipsis 12:17 At nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi, na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga may patotoo ni Jesus:
4. Paano inilalarawan ng Biblia ang Babilonia?
Apocalipsis 17:1 At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Pumarito ka, ipakikita ko sa iyo ang hatol sa bantog na patutot na nakaupo sa maraming tubig;
Apocalipsis 17:4 At nararamtan ang babae ng kulay-ube at ng pula, at nahihiyasan ng ginto at ng mga mahalagang bato at mga perlas, na sa kaniyang kamay ay may isang sarong ginto na puno ng mga kasuklamsuklam, at ng mga bagay na marurumi ng kaniyang pakikiapid,
Apocalipsis 17:5 At sa kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, HIWAGA, DAKILANG BABILONIA, INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA.
Ginamit ng Biblia ang anyo ng isang babae bilang simbolo ng iglesia, ang isang malinis na babae ay kumakatawan sa isang dalisay na iglesia, samantalang ang isang maruming babae naman ay sa tumalikod na iglesia.
5. Anong uri ng pagkakaisa ang ginagamit ng Biblia upang kumatawan sa ugnayan na umiiral sa pagitan ni Cristo at ng Kaniyang iglesia?
Jeremias 3:14 Kayo’y manumbalik, Oh tumatalikod na mga anak, sabi ng Panginoon, sapagka’t ako’y asawa ninyo; at kukuha ako sa inyo ng isa sa isang bayan, at dalawa sa isang angkan, at dadalhin ko kayo sa Sion.
2 Corinto 11:2 Sapagka’t ako’y naninibugho tungkol sa inyo ng panibughong ukol sa Dios: sapagka’t kayo’y aking pinapagasawa sa isa, upang kayo’y maiharap ko kay Cristo na tulad sa dalagang malinis.
6. Paano tiningnan ng Diyos ang Kaniyang piniling bayang Israel nang sila ay tumalikod sa Kaniya?
Ezekiel 16:15 Nguni’t ikaw ay tumiwala sa iyong kagandahan, at nagpatutot dahil sa iyong kabantugan, at ikinalat mo ang iyong mga pakikiapid sa bawa’t nagdaraan; yao’y kaniya nga.
Ezekiel 16:32 Isang babae na napakakalunya! na tumatanggap sa iba na kahalili ng kaniyang asawa!
Ezekiel 16:33 Sila’y nagbibigay ng mga kaloob sa lahat ng mga patutot: nguni’t ikaw ay nagbibigay ng iyong mga kaloob sa lahat na mangliligaw sa iyo, at iyong sinusuhulan sila, upang sila’y magsilapit sa iyo sa bawa’t dako, dahil sa iyong mga pakikiapid.
Karagdagang pag-aaral:
Jeremias 3:20 Tunay na kung paanong humihiwalay na may pagtataksil ang babae sa kaniyang asawa, gayon kayo nagsigawang may kataksilan sa akin, Oh sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoon.
7. Sang-ayon sa Bagong Tipan paano inilarawan ng Diyos ang mga nag-aangking Kristiyano na naghahangad ng pakikipagkaibigan sa sanlibutan sa halip na tamuhin ang pabor ng Diyos?
Santiago 4:4 Kayong mga mangangalunya, hindi baga ninyo nalalaman na ang pakikipagkaibigan sa sanglibutan ay pakikipagaway sa Dios? Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios.
8. Paano nalasing ang Babilonia at sino ang inilalarawan niyang naghahari?
Apocalipsis 17:6 At nakita ko ang babae na lasing sa dugo ng mga banal, at sa dugo ng mga martir ni Jesus. At nang aking makita siya ay nanggilalas ako ng malaking panggigilalas.
Apocalipsis 17:18 At ang babae na iyong nakita ay ang dakilang bayan, na naghahari sa mga hari sa lupa.
Ang kapangyarihang nagpapanatili ng awtoridad sa Sangkakristiyanuhan sa loob ng napakaraming mga siglo ay ang Roma. Walang ibang kapangyarihan ang tunay ngang masasabi na “lasing sa dugo ng mga banal” gaya ng simbahang iyon na napakalupit na umusig sa mga tagasunod ni Cristo.Ang Babilonia ay sinisingil din sa kasalanan ng ipinagbabawal na ugnayan sa “mga hari sa lupa”. Sa pamamagitan ng paglayo sa Panginoon, at pakikipagka-isa sa mga pagano, na ang mga Judio ay naging patutot; at ang Roma, na sinisira ang sarili sa gayunding paraan sa pamamagitan ng paghingi ng tulong mula sa mga makamundong kapangyarihan, ay tatanggap din ng katulad na paghatol. Mula sa ating mga pinag-aralan na ay ating maipapalagay na ang Babilonia ay kumakatawan sa isang huwad na sistemang pangrelihiyon. Ang pinaka-kasangkapan ng panlilinlang ni Satanas ay ang Romano Katoliko, at ang kaniyang patutot na mga anak na babae ay ang tumalikod na Protestantismo, o yaong mga iglesiang kumapit sa kaniyang mga doktrina at tradisyon. Ang mga salita sa Apocalipsis 14:8 na “Naguho, naguho ang dakilang Babilonia” ay isang espirituwal na pagbagsak, isang moral na pagkahulog, isang pagtalikod mula sa katotohanan.
2 Tesalonica 2:3 Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka’t ito’y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas, at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan.
9. Ano ang tatlong mga maling aral na parehong pinanghahawakan ng iglesia Katolika at karamihan sa mga iglesiang Protestante?
(1) Ang pagbabago ng Sabbath na siyang ikaapat na utos, ang ikapitong araw, sa Linggo bilang araw ng Panginoon at isang pag-alaala sa pagkabuhay na maguli. Ang bautismo ay ang pag-alaala sa pagkabuhay na maguli.
Roma 6:4 Tayo nga’y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo’y makalalakad sa panibagong buhay.
Roma 6:5 Sapagka’t kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli;
Colosas 2:12 Na nangalibing na kalakip niya sa bautismo, na kayo nama’y muling binuhay na kalakip niya, sa pamamagitan ng pananampalataya sa pagawa ng Dios, na muling bumangon sa kaniya sa mga patay.
Maaari mong saliksikin ang Biblia mula Genesis hanggang Apocalipsis at wala kang makikitang isang utos ng Diyos o ni isang talata ng Kasulatan na nagbibigay pahintulot para sa gayong pagbabago. Kinikilala ng mga Romano Katoliko na ang pagbabago ng Sabbath ay ginawa ng kanilang iglesia, at ipinapahayag na ang mga Protestante, sa pamamagitan ng pangingilin ng araw ng Linggo, ay kinikilala ang kaniyang kapangyarihan, at nagbibigay-pugay rito. Tingnan ang The Converts Catechism of Catholic Doctrine, 1957, pahina 50. Ang pagsamba ng araw ng Linggo ay nakaugat sa pagsamba sa araw, kaya tinawag na Araw ng Araw. Ang pagsamba sa araw ay bahagi na ng paganismo mula pa noong unang panahon. Paulit-ulit na binigyang babala ng Diyos ang Kaniyang bayan laban sa gawaing pagano na ito (Deuteronomio 4:19; Deuteronomio 17:3; 2 Hari 23:5, 11; Ezekiel 8:16) na sa wakas ay naitatag naman sa Kristiyanong iglesia halos 300 taon pagkatapos ni Jesus lumakad sa sanlibutang ito, at ito ay ginawa ng Roman Emperor na si Constantine noong 321 AD.
Deuteronomio 4:19 At baka iyong itingin ang iyong mga mata sa langit, at kung iyong makita ang araw at ang buwan, at ang mga bituin, sangpu ng buong natatanaw sa langit, ay mabuyo ka at iyong sambahin, at paglingkuran, na binahagi ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng mga bayan na nasa silong ng buong langit.
Deuteronomio 17:3 At yumaon at naglingkod sa ibang mga dios, at sumamba sa kanila, o sa araw, o sa buwan, o sa anomang natatanaw sa langit na hindi ko iniutos.
2 Hari 23:5 At kaniyang inalis ang mga saserdote na palasamba sa mga dios-diosan na inihalal ng mga hari sa Juda na nagpasunog ng kamangyan sa mga mataas na dako sa mga bayan ng Juda, at sa mga dakong nangasa palibot ng Jerusalem; pati silang nagsisipagsunog ng kamangyan kay Baal, sa araw, at sa buwan, at sa mga tala, at sa lahat ng natatanaw sa langit.
2 Hari 23:11 At kaniyang inalis ang mga kabayo na ibinigay ng hari ng Juda sa araw, sa pasukan ng bahay ng Panginoon, sa siping ng silid ni Nathan-melech na kamarero, na nasa looban; at sinunog niya sa apoy ang mga karo ng araw.
Ezekiel 8:16 At dinala niya ako sa pinakaloob na looban ng bahay ng Panginoon, at, narito, sa pintuan ng templo ng Panginoon sa pagitan ng malaking pintuan at ng dambana, ay may dalawang pu’t limang lalake, na sila’y nakatalikod sa dako ng templo ng Panginoon, at nakaharap sa dakong silanganan; at kanilang sinasamba ang araw sa dakong silanganan.
(2) Ang doktrina ng likas na kawalang kamatayan ng kaluluwa ay nagmula rin sa paganismo. Winawalang bisa ng kamaliang ito ang dalawa sa mahahalagang doktrina ng mga Kasulatan – ang pagkabuhay na maguli at ang pangkalahatang paghatol at ito rin ang nagbubukas ng pinto sa makabagong anyo ng espirituwalismo. Dito rin nagmula ang iba pang mga maling doktrina gaya ng pagkakaroon ng malay sa kamatayan, pagsamba sa mga santo, mariolohiya (pagsamba kay Maria), purgatoryo, gantimpala sa kamatayan, mga panalangin at pagbabautismo para sa mga patay, walang hanggang kaparusahan, at ang kaligtasan para sa lahat
3. Ang doktrina ng panandaliang milenyo, o isang libong taon ng kapayapaan, kasaganaan at katuwiran sa buong sanlibutan bago ang ikalawang pagparito ni Cristo. Ang doktrinang ito ay partikular na sinadya upang isara ang mga tainga ng mga tao laban sa matibay na mga katunayan na ang ikalawang pagparito ay malapit na, at marahil ay maghihimok sa maraming mga kaluluwa sa isang panatag o payapang kalagayan na hahantong naman sa kanilang kawakasan, na katulad ng iba pang mga maling aral na ginawa ng dakilang kaaway ng katotohanan.
10. Ano ang malaking kasalanang ipinataw para sa Babilonia?
Apocalipsis 14:8 At ang iba, ang pangalawang anghel, ay sumunod na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kaniyang pakikiapid.
Ang sarong ito ng pagkalasing na inihaharap niya sa sanlibutan ay kumakatawan sa maling doktrina na kaniyang tinanggap bilang katotohanan, at ito naman ang kaniyang itinuturo na salungat sa pinakapayak na mga pahayag ng Biblia.
11. Tinatawagan ng Diyos ang Kaniyang bayan upang magpasiya, ano ito?
Apocalipsis 18:4 At narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot:
Karagdagang pag-aaral:
Apocalipsis 18:1 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang ibang anghel na nananaog mula sa langit, na may dakilang kapamahalaan; at ang lupa ay naliwanagan ng kaniyang kaluwalhatian.
Apocalipsis 18:2 At siya’y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa’t espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa’t karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon.
Apocalipsis 18:3 Sapagka’t dahil sa alak ng galit ng kaniyang pakikiapid ay nangaguho ang lahat ng mga bansa; at ang mga hari sa lupa ay nangakiapid sa kaniya, at ang mga mangangalakal sa lupa ay nagsiyaman dahil sa kapangyarihan ng kaniyang kalayawan.
Apocalipsis 18:4 At narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot:
Apocalipsis 18:5 Sapagka’t ang kaniyang mga kasalanan ay umabot hanggang sa langit at naalaala ng Dios ang kaniyang mga katampalasanan.
Ang pabalita ng tatlong mga anghel ang bumubuo ng huling babala ng Diyos, ang Kaniyang huling panawagan ng pag-ibig sa isang masamang sanlibutan at sa isang natutulog na iglesia. Ano ang magiging tugon mo samantalang pumapatak na ang huling mga butil ng buhangin sa orasan na nagbabadya ng katapusan?
Sa kabila ng kadilimarg espiritual at pakikipagkasira sa Diyos na umiiral sa mga iglesyang bumubuo ng Babilonya, ang malaking bahagi ng tunay na mga alagad ni Kristo ay masusumpungan pa rin sa kanilang kapulungan. Marami sa mga ito ang kailan ma’y di pa nakakikita ng tanging mga katotohanan ukol sa panahong ito. Hindi iilan ang di-nasisiyahan sa kalagayan nila sa kasalukuyan, at kinasasabikan nila ang lalong malinaw na kaliwanagan. Walang kabuluhan silang naghahanap ng wangis ni Kristo sa mga iglesyang kinauugnayan nila ngayon. Sa paglayo nang paglayo ng mga iglesyang ito buhat sa katotohanan, at sa lalong pakikipanig nila sa sanlibutan, ay lalo namang lalaki ang pagkakaiba sa dalawang uring ito ng nananampalataya, at ito’y magwawakas sa paghihiwalay. Darating ang parahon na yaong mga nagsisiibig sa Diyos ng lalo sa lahat ay hindi na makapananatili pang kaugnay ng “mga maibigin sa kalayawan kaysa mga maibigin sa Diyos; na inay anyo ng kabanalan, datapuwa’t tinanggihan ang kapangyarihan nito.”
Ang Apokalipsis 18 ay tumutukoy sa panahong, dahil sa pagtanggi sa tatlong babala ng Apokalipsis 14:6-12, ay lubusan nang maaabot ng iglesya ang kalagayang paunang sinabi ng ikalawang anghel, at ang bayan ng Diyos na nasa Babilonya pa rin ay tatawagin upang humiwalay sa kanyang kapulungan. Ang pabalitang ito ang siyang kahuli-hulihang ibibigay sa sanlibutan; at gaganapin nito ang kanyang gawain. Pagka yaong mga “hindi nagsisampalataya sa katotohanan, kundi nangalugod sa kalikuan,”5 ay naiwan sa paggawa ng kamalian at sa paniniwala sa kasinungalingan, kung magkagayo’y ang liwanag ng katotohanan ay sisikat doon sa ang mga puso’y bukas upang tanggapin ito, at ang lahat ng mga anak ng Panginoon na naroon pa sa Babilonya ay magsisipakinig sa panawagang “Mangagsilabas kayo sa kanya, bayan Ko.”-The Great Controversy, page 390.