Lesson 9:

1. Higit sa anumang bagay, ano ang ninanais ng Diyos para sa atin?

3 Juan 1:2 Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa.

Ang ating mga katawan ay nararapat na panatilihing nasa malusog na kalagayan upang ang ating espirituwalidad ay maging malusog din. Ang kalagayan ng ating katawan ay malaki ang kinalaman sa kalagayan ng isipan. Kapag kinalimutan natin ang kalusugan ng katawan at sa halip ay ipinagpatuloy ang masasamang gawi na pangkatawan, magdurusa din naman naman ang ating buhay-pananampalataya.

2. Kapag tayo’y lumalapit sa Diyos lakip ang payak na pananampalataya na nagnanais ng kalinisang espiritwal (kapatawaran) at pagbabago (pagkahikayat) ang mga ito ay malaya Niyang ipinagkakaloob. Anong biyayang pisikal ang ipinagkakaloob Niya sa lahat ng sumusunod sa Kaniya?

Exodo 15:26 At sinabi, Kung iyong didinggin ng buong sikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, at iyong gagawin ang matuwid sa kaniyang mga mata, at iyong didinggin ang kaniyang mga utos, at iyong gaganapin ang lahat niyang mga palatuntunan ay wala akong ilalagay na karamdaman sa iyo, na gaya ng inilagay ko sa mga Egipcio: sapagka’t ako ang Panginoon na nagpapagaling sa iyo.

Karagdagang pag-aaral:

Awit 103:2 Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko, at huwag mong kalimutan ang lahat niyang mabubuting gawa. 

Awit 103:3 Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga kasamaan; na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit.

3. Ang paraan ba ng pangangalaga natin sa ating mga katawan ay nagpaparangal o di-nagpaparangal sa Diyos?

1 Corinto 3:16 Hindi baga ninyo nalalaman na kayo’y templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo?

1 Corinto 3:17 Kung gibain ng sinoman ang templo ng Dios, siya’y igigiba ng Dios; sapagka’t ang templo ng Dios ay banal, na ang templong ito ay kayo.

1 Corinto 6:19 O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo sa Dios? at hindi kayo sa inyong sarili;

1 Corinto 6:20 Sapagka’t kayo’y binili sa halaga: luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan ang Dios.

Roma 12:1 Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba.”

1 Corinto 10:31 Kaya kung kayo’y nagsisikain man, o nagsisiinom man o anoman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios.

Karagdagang pag-aaral:

1 Tesalonica 5:23 At pakabanalin kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo. 

Daniel 1:8 Nguni’t pinasiyahan ni Daniel sa kaniyang puso na siya’y hindi magpapakahamak sa pagkain ng hari, o sa alak man na kaniyang iniinom: kaya’t kaniyang hiniling sa pangulo ng mga bating na siya’y huwag mapahamak. 

Daniel 1:9 Si Daniel nga ay pinasumpong ng Dios, ng lingap at habag sa paningin ng pangulo ng mga bating. 

Daniel 1:10 At sinabi ng pangulo ng mga bating kay Daniel, Ako’y natatakot sa aking panginoong hari, na nagtakda ng inyong pagkain at ng inyong inumin: sapagka’t bakit niya makikita na ang inyong mga mukha ay maputla kay sa mga binata na inyong mga kasinggulang? isasapanganib nga ninyo ang aking ulo sa hari. 

Daniel 1:11 Nang magkagayo’y sinabi ni Daniel sa katiwala na inihalal ng pangulo ng mga bating kay Daniel, kay Ananias, kay Misael, at kay Azarias: 

Daniel 1:12 Ipinamamanhik ko sa iyo, na subukin mo ang iyong mga lingkod, na sangpung araw; at bigyan kami ng mga gulay na makain, at tubig na mainom. 

Daniel 1:13 Kung magkagayo’y masdan mo ang aming mga mukha sa harap mo, at ang mukha ng mga binata na nagsisikain ng pagkain ng hari; at ayon sa iyong makikita ay gawin mo sa iyong mga lingkod. 

Daniel 1:14 Sa gayo’y dininig niya sila sa bagay na ito, at sinubok niya sila na sangpung araw. 

Daniel 1:15 At sa katapusan ng sangpung araw ay napakitang lalong maganda ang kanilang mga mukha, at sila’y lalong mataba sa laman kay sa lahat na binata na nagsisikain ng pagkain ng hari. 

Daniel 1:16 Sa gayo’y inalis ng katiwala ang kanilang pagkain, at ang alak na kanilang inumin, at binigyan sila ng mga gulay. 

4. At sa kadahilanang anoman ang ating kinakain at iniinom ay dapat makaluwalhati sa Diyos, anong mga pagkain ang ipinagkaloob Niya sa tao upang matupad ang layuning ito sa paraang pinakamabuti?

Genesis1:29 At sinabi ng Dios, Narito, ibinigay ko sa inyo ang bawa’t pananim na nagkakabinhi, na nasa ibabaw ng balat ng lupa, at ang bawa’t punong kahoy na may bunga ng punong kahoy na nagkakabinhi; sa inyo’y magiging pagkain.

Ang orihinal na pagkain ng tao ay binubuo ng mga prutas, nuwes, butil, at legumbre.

5. Matapos makapasok ang kasalanan sa sanlibutan, ano ang idinagdag ng Diyos sa pagkain ng tao?

Genesis 3:18 Ang isisibol niyaon sa iyo ay mga tinik at mga dawag; at kakain ka ng pananim sa parang.

Matapos pumasok ng kasalanan, idinagdag ang mga gulay, marahil ay sa kadahilanang ang ating unang mga magulang ay pinagkaitan ng mga sustansiya na matatagpuan sa punong kahoy ng buhay. (Gen. 3:24.)

6. Anong karagdagang pagbabago ang kinakailangan dahil sa naganap na malaking baha?

Genesis 9:3 Bawa’t gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo.

Bago ang baha, hindi ipinahintulot ng Diyos na ang tao’y kumain ng laman ng mga hayop. At sa dahilang ang mga tumutubong pananim ay winasak ng baha, ipinahintulot ng Diyos ang paggamit ng pagkaing laman sa unang pagkakataon. Dahil sa layuning ito, ang malilinis na mga hayop ay pinapasok sa daong ng tigpipito habang ang di malinis ay tigdadalawa (Gen. 7:1-2). Bagama’t ang talata’y tila mandin hindi pinipigilan ang pagkain ng anomang uri ng hayop, bigyang pansin na ito’y hindi ibinigay ng walang limitasyon. Sinabi ng Diyos, “Maging ang bawat pananim na sariwa ay ibinigay ko ang lahat sa iyo”. At kung paanong ibinigay ng Diyos ang mga pananim, gayundin, na, ibinigay Niya ang laman. Datapuwa’t hindi lahat ng halaman ay mabuting kainin. May mga damo at halamang lason na hindi makakain. Kawili-wiling pansinin na ang katuruang ito ay madaling ibinigay kay Noe matapos na bumaba at lumabas sa daong. At sapagkat kailangan ang dalawa (lalaki at babae) upang maparami ang isang uri, at dalawa lamang sa marumi ang naligtas sa daong, tiyak na hindi ibinigay ng Diyos ang pahintulot na kainin ang maruruming hayop. At kung ginawa ito, disin sana’y ang maruruming uri ay nangaubos na, at wala sanang nananatili sa mga ito ngayon. Habang pinag-aaralan natin ang Biblia makikita natin ang biglang pagbagsak o pagbaba ng buhay ng tao matapos na ang pagkaing laman ay ipinakilala o isinaman sa ating pagkain.

7. Anong karagdagang paghihigpit ang inilagay ng Diyos sa paggamit ng pagkaing laman?

Genesis 9:4Nguni’t ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin.”

Ang marunong na Ama natin sa langit ay nababatid na karamdaman ang nadadala o naihahawa sa pamamagitan ng dugo, kaya iniutos na tigisin o patuyuin mula sa katawan ng hayop bago ito lutuin.

Karagdagang pag-aaral:

Gawa15:20 Kundi sumulat tayo sa kanila, na sila’y magsilayo sa mga ikahahawa sa diosdiosan, at sa pakikiapid, at sa binigti, at sa dugo. 

Gawa 15:28 Sapagka’t minagaling ng Espiritu Santo, at namin, na huwag kayong atangan ng lalong mabigat na pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan: 

Gawa15:29 Na kayo’y magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa mga binigti, at sa pakikiapid; kung kayo’y mangilag sa mga bagay na ito, ay ikabubuti ninyo. Paalam na sa inyo. 

8. Paano nilagyan ng Biblia ang pagkakaiba ng malinis sa hindi malinis na mga hayop?

Levitico 11:3 Alinmang may hati ang paa na baak at ngumunguya, sa mga hayop, ay inyong makakain.

Levitico 11:7 At ang baboy, sapagka’t may hati ang paa at baak, datapuwa’t hindi ngumunguya, karumaldumal nga sa inyo.

Levitico 11:8 Huwag kayong kakain ng laman ng mga iyan, at ang bangkay ng mga yaon ay huwag ninyong hihipuin; mga karumaldumal nga sa inyo.

Levitico 11:9 Ang mga ito’y inyong makakain sa mga nasa tubig: alin mang may mga palikpik at mga kaliskis sa tubig, sa mga dagat at sa mga ilog, ay makakain ninyo.

Levitico 11:10 At lahat ng walang palikpik at kaliskis sa mga dagat, at sa mga ilog, at sa lahat ng mga gumagalaw sa tubig, at sa lahat ng may buhay sa tubig, ay pawang karumaldumal nga sa inyo.

Ang maruruming nilalang ay mga basurero ng Diyos upang linisin ang lupa. Kaya hindi mangyayari para sa laman ng kahit anong nilalang na maging malusog kapag dumi ang likas nilang sangkap. Sila’y binubuo ng nang kung ano ang kanilang kinakain. Kahima’t sila’y pinakakain ng ng mabuting pagkain, ang kanilang sistema ng panunaw ay kakaiba kaysa sa malilinis na mga hayop, na maging ang mga ito rin ay di nararapat gawing pagkain. Paki-usap na basahin ang kabuoan ng Levitico 11.

Deuteronomio 14:2 Sapagka’t ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios, at ikaw ay pinili ng Panginoon upang maging bayan sa kaniyang sariling pag-aari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa. 

Deuteronomio 14:3 Huwag kang kakain ng anomang karumaldumal na bagay. 

Deuteronomio 14:4 Ito ang mga hayop na inyong makakain: ang baka, ang tupa, at ang kambing, 

Deuteronomio 14:5 Ang malaking usa, at ang maliit na usa, at ang lalaking usa, at ang mabangis na kambing, at ang pigargo, at ang antilope, at ang gamuza. 

Deuteronomio 14:6 At bawa’t hayop na may hati ang paa, at baak, at ngumunguya sa mga hayop, ay inyong makakain. 

Deuteronomio 14:7 Gayon ma’y ang mga ito ay hindi kakanin sa mga ngumunguya, o sa baak ang paa: ang kamelyo, at ang liebre, at ang coneho, sapagka’t sila’y ngumunguya, nguni’t walang hati ang paa; mga marumi sa inyo; 

Deuteronomio 14:8 At ang baboy, sapagka’t may hating paa, nguni’t hindi ngumunguya, ito’y marumi sa inyo: ang laman nila’y huwag ninyong kakanin, at ang kanilang bangkay ay huwag hihipuin. 

Deuteronomio 14:9 At ang mga ito’y inyong makakain sa lahat ng nasa tubig: anomang may mga kaliskis at mga palikpik, ay inyong makakain: 

Deuteronomio 14:10 At anomang walang kaliskis at palikpik, ay huwag ninyong kakanin; marumi nga ito sa inyo. 

Deuteronomio 14:11 Sa lahat ng ibong malinis ay makakakain kayo. 

Deuteronomio 14:12 Nguni’t ang mga ito’y hindi ninyo makakain: ang aguila, at ang aguilang dumudurog ng mga buto, at ang aguilang dagat; 

Deuteronomio 14:13 At ang ixio, at ang halkon, at ang lawin ayon sa kaniyang pagkalawin; 

Deuteronomio 14:14 At lahat na uwak ayon sa kanilang pagkauwak; 

Deuteronomio 14:15 At ang avestruz, at ang chotacabras, at ang graviota, at ang lawin ayon sa kaniyang pagkalawin; 

Deuteronomio 14:16 Ang munting kuwago, at ang malaking kuwago, at ang kuwagong tila may sungay; 

Deuteronomio 14:17 At ang pelikano, at ang buitre, at ang somormuho; 

Deuteronomio 14:18 At ang ciguena at ang tagak, ayon sa kanilang pagkatagak; at ang abubilla, at ang kabagkabag. 

Deuteronomio 14:19 At lahat ng may pakpak na umuusad, ay marumi sa inyo: hindi kakanin. 

Deuteronomio 14:20 Sa lahat ng ibong malinis ay kayo’y makakakain. 

9. Oo nga’t ang paghihigpit sa pagkain ay naging mabuti para sa mga Hudyo, subalit paano naman ang mga Kristiyano sa Bagong Tipan?

Gawa 10:9 Nang kinabukasan nga samantalang sila’y patuloy sa kanilang paglalakad, at nang malapit na sa bayan, si Pedro ay umakyat sa ibabaw ng bahay upang manalangin, nang may oras na ikaanim;

Gawa 10:10 At siya’y nagutom at nagnais kumain: datapuwa’t samantalang nangaghahanda sila, ay nawalan siya ng diwa;

Gawa 10:11 At nakita niyang bukas ang langit, at may isang sisidlang bumababa, gaya ng isang malapad na kumot, na nakabitin sa apat na panulok na bumababa sa lupa:

Gawa 10:12 Na doo’y naroroon ang lahat ng uri ng mga hayop na may apat na paa at ang mga nagsisigapang sa lupa at ang mga ibon sa langit.

Gawa 10:13 At dumating sa kaniya ang isang tinig, Magtindig ka, Pedro; magpatay ka at kumain.

Gawa 10:14 Datapuwa’t sinabi ni Pedro, Hindi maaari, Panginoon; sapagka’t kailan ma’y hindi ako kumain ng anomang bagay na marumi at karumaldumal.

Gawa 10:15 At muling dumating sa kaniya ang tinig sa ikalawa, Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi.

Gawa 10:28 At sinabi niya sa kanila, Nalalaman ninyo na hindi matuwid sa isang taong Judio na makisama lumapit sa isang taga ibang bansa; at gayon ma’y ipinakilala sa akin ng Dios, na sinomang tao’y huwag kong tawaging marumi o karumaldumal.

May mga taong ikinakatuwiran na nilinis na ni Cristo ang lahat ng pagkain nang Siya’y narito pa sa lupa, kung ito’y katotohanan, hindi ito nabatid ni Pedro. Ginugol niya ang tatlong taon at kalahati kasama ang Panginoon narinig ang Kaniyang katuruan. Subalit hindi siya nagpakita ng pang-unawa na ang mga di-malinis na mga hayop ay maaari nang kainin. Ang pangitain na simboliko, at ipinakita sa kaniya na ang mga Hentil ay di niya nararapat tukuyin o ituring na marurumi.

10. Anong mangyayari sa kanila na naging gawi na ang pagkain ng hindi malinis o maruming laman, kapag dumating na si Jesus?

Isaias 66:15 Sapagka’t, narito, ang Panginoon ay darating na may apoy, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo; upang igawad ang kaniyang galit na may kapusukan, at ang kaniyang saway na may ningas ng apoy.

Isaias 66:16 Sapagka’t sa pamamagitan ng apoy makikipagpunyagi ang Panginoon, at sa pamamagitan ng kaniyang tabak, sa lahat ng mga tao: at ang mapapatay ng Panginoon ay magiging marami.

Isaias 66:17 Silang nangagpapakabanal, at nangagpapakalinis na nagsisiparoon sa mga halamanan, sa likuran ng isa sa gitna, na nagsisikain ng laman ng baboy, at ng kasuklamsuklam, at ng daga; sila’y darating sa isang wakas na magkakasama, sabi ng Panginoon.

Deuterenomio 14:3 Huwag kang kakain ng anomang karumaldumal na bagay.

Karagdagang pag-aaral:

Apocalipsis 21:7 Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at ako’y magiging Dios niya, at siya’y magiging anak ko. 

11. Bukod pa sa pagkain ng di-malinis na laman, sa ano pang paraan mapapadumi natin ang ating katawan?

Kawikaan 20:1Ang alak ay manunuya, ang matapang na alak ay manggugulo; at sinomang napaliligaw sa kaniya ay hindi pantas.

1 Corinto 6:9 O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake.

1 Corinto 6:10 Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios.

Karagdagang pag-aaral:

Kawikaan 23:29 Sinong may ay? sinong may kapanglawan? sinong may pakikipagtalo? sinong may daing? sino ang may sugat na walang kadahilanan? sino ang may maningas na mata? 

Kawikaan 23:30 Silang nangaghihintay sa alak; silang nagsisiyaon upang humanap ng pinaghalong alak. 

Kawikaan 23:31 Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula, pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro, 

Kawikaan 23:32 Sa huli ay kumakagat ito na parang ahas, at tumutukang parang ulupong. 

Kawikaan 23:33 Ang iyong mga mata ay titingin ng mga katuwang bagay, at ang iyong puso ay nagbabadya ng mga magdarayang bagay. 

Kawikaan 23:34 Oo, ikaw ay magiging parang nahihiga sa gitna ng dagat, o parang nahihiga sa dulo ng isang palo ng sasakyan. 

Kawikaan 23:35 Kanilang pinalo ako, iyong sasalitain, at hindi ako nasaktan; kanilang hinampas ako, at hindi ko naramdaman: kailan gigising ako? aking hahanapin pa uli. 

12. Anong sinasabi ni Apostol Pablo na dapat nating gawin kung nais nating tanggapin ang walang pagkasirang putong?

1 Corinto 9:25 At ang bawa’t tao na nakikipaglaban sa mga palaruan ay mapagpigil sa lahat ng mga bagay. Ginagawa nga nila ito upang magsipagtamo ng isang putong na may pagkasira; nguni’t tayo’y niyaong walang pagkasira.

Ang tunay na pagtitimpi ay ang magpigil sa pagkain nang lahat ng bagay na nakasasama at gamitin ng may katamtaman ang anumang makabubuti. Ang mga Kristiyanong nagnanais maluwalhati sa kanilang katawan ay di gagamit ng tabako, droga, maraming asukal at asin, o anumang batid nilang dudungis sa kanilang templong katawan. Sisikapin nilang mapanatiling malalakas at malulusog ang katawan upang manatili silang walang pagkakamali sa harapan ng Diyos; katawan, kaluluwa, at espiritu.

Karagdagang pag-aaral:

Gawa 24:15 Na may pagasa sa Dios, na siya rin namang hinihintay nila, na magkakaroon ng pagkabuhay na maguli ng mga ganap at gayon din ng mga di ganap. 

Galacia 5:23 Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan. 

Tito 1:8 Kundi mapagpatuloy, maibigin sa mabuti, mahinahon ang pagiisip, matuwid, banal, mapagpigil.

2 Pedro1:6 At sa kaalaman ay ang pagpipigil; at sa pagpipigil ay ang pagtitiis; at sa pagtitiis ay ang kabanalan.

13. Sa liwanag ng kamangha-manghang biyayang buhay na walang hanggan, na malayang iniaalok ng Diyos, gayundin ang kapangyarihang makapanagumpay sa kasalanan sa pamamagitan ng pananahan ng Banal na Espiritu, natutulad batayo kanino?

3 Juan 2 Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa.

3 Juan 3 Sapagka’t ako’y totoong nagalak nang magsidating ang mga kapatid at mangagpatotoo sa iyong katotohanan, ayon sa paglakad mo sa katotohanan.

May ilang mga talata sa Biblia na tila malayo sa susi ng kahulugan upang mapangatuwiranan ang paggamit nito na sa Salita ng Diyos ay payak na hinahatulan. Maingat nating susuriin ang ilan sa mga “suliraning” talata na tumutukoy sa ating kalusugan. Ang mga sumusunod na pagtukoy ay alinsunod sa sinulat ni Joe Crews, na may pamagat na Answers to Difficult Bible Texts.

Mateo 15:11: Ang tagpo sa talata ay dapat simulan ang pagbasa sa talatang 2. Ang mga Hudyo ay may isang kaugalian na ang mga kamay ay nararapat hugasan matapos mapalapit o masagi, mahipo ang isang Hentil. Kinagagalitan o sinusumbatan nila si Jesus at ang mga apostol sa dahilang hindi nila sinusunod ang kaugalian. Kaya sinalita ni Cristo ang nasusulat sa talatang 11, “Hindi ang pumapasok sa bibig ang siyang nakakahawa sa tao; kundi ang lumalabas sa bibig; ito ang nakahahawa sa tao.”

Sa talatang 15 sinabi ni Pedro kay Jesus, “Ipaliwanag mo sa amin ang talinghaga.” Bigyang pansin na ito ay talinghaga, at hindi nararapat gamitin ng literal. Sa katotohanan, ipinaliwanag ni Jesus ang talinghaga, hindi natin kailangan ang manghula kung ano ang kahulugan. Tinapos Niya ang paliwanag sa mga salitang, “Sapagkat sa puso nanggagaling ang masasamang pag-iisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, pakikiapid, mga pagnanakaw, mga di pagsaksi sa di katotohanan, mga pamumusong: ito ang mga bagay na mangakakahawa sa tao, datapuwa’t ang kumaing hindi naghugas ng mga kamay ay hindi makakahawa sa tao.” mga talatang 19,20.

Masdan ang tagpo. Ang mga pinunong Hudyo ay nayayamot kapag may kinalaman sa kaugalian ng paghuhugas ng kamay, habang kasabay noon, ay pinapatay nila sa kanilang mga puso si Cristo. Inihahayag ni Jesus ang kabalintunaan  ng kanilang kalagayan. Ang seremonyal na di paglilinis ay nasa isipang karumihan. Ang mga masamang kaisipan ang tunay na karumihan o nagpapadumi. Ang katanungan tungkol sa pagkain ay walang kinalaman dito. Walang pagkain o inumin sa gitna ng pagtatalo. Ito’y ang seremonya ng paghuhugas ng mga kamay laban sa pagpatay na nasa puso. Isang nagpaparumi at isang hindi.

Roma 14:2, 14, 21: Mabuting isa-alang alang ang buong katipulo sa kontekstong ito. Si Pablo ay nagsusulat ng may kinalaman sa paghahatulan sa gitna ng mga mananampalataya sa panajon ng mga apostol. Ang mga talatang 4, 10, at 13 ay nanghihikayat na mabuti laban sa kasalanan ng paghatol sa isa’t-isa. At isang katotohanan na may malubhang pagkakahati-hating nakikita sa una o batang iglesya. Ang mga Kristiyanong Hentil ay hinahatulan ang mga Kristiyanong Hudyo, at ang mga Kristiyanong Hudyo naman ay hinahatulan ang mga Kristiyanong Hentil.

Ano ang batayan ng suliranin? Bakit sila’y naghahatulan? Ang mga Hentil na nakapasok sa iglesia mula sa pagiging pagano ay naiinsulto sa dahilang ang mga Kristiyanong Hudyo ay kumakain ng mga pagkaing inialay sa mg adios-diosan. Gayundin naman ang mga Kristiyanong Hudyo ay hinahatulan ang kaanib iglesiya na mga Hentil sapagkat wala silang pakialam sa mga araw na minamahal o seremonyal na patuloy nilang ipinagdiriwang mula sa Judaismo. Ilan sa mga hikayat na Hentil ay sobrang takot sa pagkain ng karneng inialay s adios-diosan kaya mga gulay lamang ang kanilang kinakain. Sinalita ni Pablo ang mga ito sa mga talatang 1 at 2. Higit pang ipinaliwanag ni Pablo sa “mahihinang kapatid” sa 1 Cor. 8:8:-12, at kung paano niya itinangi ang pagkaing di nararapat kainin. Nagpayo siya laban sa pagiging katitisurang bato sa mahihinang kapatid. “Sapagka’t sa pamamagitan ng iyong kaalaman ay napapahamak ang mahina, ang kapatid na dahil sa kaniya’y namatay si Cristo. At sa ganitong pagkakasala laban sa mga kapatid, at sa pagkakasugat ng kaniyang budhi kung ito’y mahina, ay nangagkakasala kayo laban kay Cristo.” 1 Cor. 8:11-12.

Ihambing ang lenguaheng ito o salitang ito sa nasa Roma 14:13-15: “Huwag na nga tayong mangaghatulan pa sa isa’t isa: kundi bagkus ihatol ninyo ito, na ang sinoman ay huwag maglagay ng katitisuran sa daan ng kaniyang kapatid o kadahilanan ng ikararapa. Nalalaman ko, at naniniwala akong lubos kay Jesus na Panginoon, na walang anomang bagay na marumi sa kaniyang sarili: maliban na doon sa nagaakala na ang anomang bagay ay marumi, sa kaniya’y marumi ito. Sapagka’t kung dahil sa pagkain ang iyong kapatid ay naghinanakit ay hindi ka na lumalakad sa pagibig. Huwag mong ipamahamak sa iyong pagkain yaong pinagkamatayan ni Cristo.”

Ang pagkaing inialay sa mg adios-diosan ay hindi ibig sabihin ay maruming pagkain (Gawa 14:13) bagkus ay lubhang binibigyang halaga ng mga hikayat na Hentil. Hindi suliraning moral. Gayundin ang pangyayari o may kinalaman sa mga araw na itinatangi o minamahal na binanggit ni Pablo sa Roma 14:5. Sinabi niya na tigilan na ang paghatol sa mga isyu at magpatuloy sa gawain. Ang mga ito ay walang kinalaman sa mga katanungang moral ng ika-pitong araw ng Sabbath at sa ipinagbabawal na di-malinis na pagkain.

Ang pagkaing tinutukoy sa kapitulong ito ay hindi marumi sa Biblia, sa halip ay “itinanging” (tal. 14) di malinis sa dahilang ang mga ito’y ginamit upang ihandog sa mga dios-diosan (1 Cor. 8:1,13). Ang alak na ipinahihintulot ng Diyos ay ipinahayag bilang “alak sa kumpol” (Isa. 65:8), kung kaya ang karne at alak ay malinis sa kanilang sarili. Bagama’t si Pablo ay pumayag na ang dios-diosan ay “walang kabuluhan sa sanlibutan,” (1 Cor. 8:4) at dahil dito ang pagkaing inialay ay hindi dumumi sa pamamagitan ng pag-aalay dito, marami ang hindi ito makita sa ganitong paraan. Inaakala nilang ang pagkain ay nadumhan at di nababagay kainin ng Kristiyano. Alang-alang sa mga tumututol na inaakala na ito’y marumi, sinabi ni Pablo na mabuting huwag sugatan ang damdamin ng kanilang mahinang konsensya (tal. 1) sa pamamagitan ng pagkain nito sa kanilang harapan (ang mga tumututol) [1 Cor. 8].

1 Timoteo 5:23: Ang salitang Griego na “omos” na isinalin na “alak” na maaaring pinaasim o hindi, ay ayon sa konteksto. At sapagkat ang inumin na may alcohol ay tuwirang kinikondena sa Kawikaan 23:29-32 at Kawikaan 20:1, di sukat maisip na ang mga lider ng iglesiya ng Bagong Tipan ay ipapahintulot ito. May paalala sa payo ni Pablo kay Timoteo na nangangahulugan na ang “kaunting alak” ay pinaasim. Sa dahilang si Timoteo ay may nakikitang suliranin sa panunaw, at ibang kahinaan, ang tagubiling gumamit ng katas ng ubas ay maaaring higit pang mabuti o mabisa bilang pantulong sa pagkain.

Ang mga manunulat ng Biblia ay nagtagubilin na di-pinaasim na katas ng ubas ay isang pagpapala sa katawan. “Ganito ang sabi ng Panginoon, Kung paanong nasusumpungan ang bagong alak sa kumpol, at may nagsasabi, Huwag mong sirain, sapagka’t iyan ay mapapakinabangan: gayon ang gagawin ko sa ikagagaling ng aking mga lingkod, upang huwag kong malipol silang lahat.” Isa. 65:8. Ang uri ng alak na “nasa kumpol” ay walang alcohol. May ilang nasa kapangyarihan ngayon na humihikayat na uminom ng katas ng ubas dahil sa mabilis na nagpapagaling sa di-matunaw sa ating katawan.

1 Timoteo 4:1-4: Ang babala laban sa pagtalikod sa mga huling araw sa mga talatang ito ay sangkot ang isang bilang ng mga erehe – sumusunod sa Diablo, pagbabawal sa pag-aasawa, at ang utos na bawal kumain ng ilang pagkain.

Marahil ang pinakamalaking pagkakamali at di-pagkakaunawaan ay bumangon dahil sa talatang 4, na doo’y nasasaad na “bawat nilalang ng Diyos ay mabuti”. Ito’y nangangahulugan na ang bawat bagay na nilalang ay nilikha para sa pangangailangan at layunin. Subalit may nag-aakala na ang bawat hayop ay maaaring mabuting kainin kung ito’y tama, maayos na naipanalangin at binasbasan sa pamamagitan ng panalangin ng pasasalamat. Datapuwa’t mali ito! Ang ipanalangin ang uwak, o ang paniki ay hindi magiging daan upang ito’y dapat ng kainin o karapatdapat ng gawing pagkain. Mabilis pang idinagdag ni Pablo ang talatang 5 kung ang sinuman ay magbigay ng maling konklusyon dahil sa talatang 4. Sinabi niya, “Sapagka’t pinakababanal sa pamamagitan ng salita ng Dios at ng pananalangin.” Ngayon ay batid na natin kung ano ang nagpapabanal dito, upang maging karapatdapat kainin. Ang salita ng Diyos ang nararapat sumang-ayon, at pagkatapos, ang panalangin ng pasasalamat ang magpapabanal dito upang maging pagkain.

Bigyang pansin din natin ang katotohanan na ang usaping ito ay hindi sangkot ang hindi malinis na hayop sa Biblia. Ang mga karne na ipinagbabawal ng ilan ay mga “karneng nilikha ng Diyos upang tanggapin ng may pagpapasalamat, nila na nananampalataya at nababatid ang katotohanan.” Tal. 3. Ngayon ay madaling makita o matagpuan sa Biblia ang paglalarawan ng Diyos sa mga karneng Kaniyang nilikha at tanggapin ng may pagpapasalamat. (Lev. 11:2-20). Sila na “nananampalataya at nababatid ang katotohanan” ay tatanggapin ang mga bagay na ito ng may pagpapasalamat sapagkat ang mga ito’y “napabanal ng salita ng Diyos at ng panalangin.” Ang salita ng Diyos ay katotohanan. Sila lamang na “nananampalataya at nakaaalam” na ang mangunguna sa ganitong mga bagay na “napabanal” at “nilikha upang tanggapin ng may pagpapasalamat”. Sila na “nangagpapakabanal” habang kumakain ng di-malinis na mga karne ang wawasakin sa ikalawang pagbabalik ni Cristo. Tingnan ang Isa. 66:15-17.