Lesson 10:

1. Sa Lumang Tipan, ano ang naging saloobin ng Diyos sa tungkol sa homosekswal na pamumuhay?

Levitico 18:22 Huwag kang sisiping sa lalake ng gaya sa babae: karumaldumal nga.

Levitico 20:13 At kung ang isang lalake ay sumiping sa kapuwa lalake, na gaya ng pagsiping sa babae: ay kapuwa sila nagkasala ng karumaldumal: sila’y papatayin na walang pagsala: mabububo ang kanilang dugo sa kanila.

2. Ano ang nangyari nang may dalawang mga anghel (Genesis 19:1) na dumalaw sa lungsod ng Sodoma?

Genesis 19:4 Datapuwa’t bago nagsihiga, ang bahay ay kinulong ng mga tao sa bayan sa makatuwid baga’y ng mga tao sa Sodoma, na mga binata at gayon din ng mga matanda ng buong bayan sa buong palibot;

Genesis 19:5 At kanilang tinawagan si Lot, at sinabi sa kaniya, Saan nangaroon ang mga lalaking dumating sa iyo ng gabing ito? ilabas mo sila sa amin upang kilalanin namin sila.

Karagdagang pag-aaral:

Hukom 19:22 Nang nangatutuwa na ang kanilang mga puso, narito, ang mga lalake sa bayan, na ilang hamak na tao, ay kinubkob ang bahay sa palibot, na hinahampas ang pintuan; at sila’y nagsalita sa may-ari ng bahay, sa matanda, na sinasabi, Ilabas mo ang lalake na pumasok sa iyong bahay upang makilala namin siya. 

Ang katawagang “kilalanin sila” ay nangangahulugan na ninais nilang makipagtalik sa kanila.

3. Dahil sa kanilang kasamaan, paano pinarusahan ng Diyos ang mga naninirahan sa Sodoma at Gomora?

Genesis 19:24 Nang magkagayo’y nagpaulan ang Panginoon sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Panginoon na buhat sa langit;

Genesis 19:25 At ginunaw niya ang mga bayang yaon, at ang buong Kapatagan at ang lahat ng nangananahan sa mga bayang yaon, at ang tumutubo sa lupang yaon.

4. Ano ang kahalagahan sa atin ngayon ng mga lungsod ng Sodoma at Gomora?

Judas 1:7 Gayon din ang Sodoma at Gomorra, at ang mga bayang nasa palibot ng mga ito, na dahil sa pagpapakabuyo sa pakikiapid at sa pagsunod sa ibang laman, ay inilagay na pinakahalimbawa, na sila’y nagbabata ng parusang apoy na walang hanggan.

2 Pedro 2:6. At pinarusahan niya ng pagkalipol ang mga bayan ng Sodoma at Gomorra na pinapaging abo, nang maging halimbawa sa mga magsisipamuhay na masama.

Karagdagang pag-aaral:

Lucas17:28 Gayon din naman kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Lot; sila’y nagsisikain, sila’y nagsisiinom, sila’y nagsisibili, sila’y nangagbibili, sila’y nangagtatanim, sila’y nangagtatayo ng bahay. 

Lucas17:29 Datapuwa’t nang araw na umalis sa Sodoma si Lot, ay umulan mula sa langit ng apoy at asupre, at nilipol silang lahat: 

Lucas17:30 Gayon din naman ang mangyayari sa araw na ang Anak ng tao ay mahayag. 

Apocalipsis 20:9 At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig: at bumaba ang apoy mula sa langit, at sila’y nasupok. 

Apocalipsis 20:10 At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila’y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man. 

5. Kung ang homosekswal na pamumuhay ay isinasagawa ngayon, magiging dahilan ba ito upang ang mga taong sangkot rito ay alisan ng karapatang magmana ng kaharian ng Diyos?

1 Corinto 6:9 O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake.

1 Corinto 6:10 Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios.

Karagdagang pag-aaral:

Galacia 5:19 At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan, 

Galacia 5:20 Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, 

Galacia 5:21 Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios. 

Efeso 5:5 Sapagka’t talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios. 

Efeso 5:7 Huwag kayong makibahagi sa kanila.

Hebreo 13:4 Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan: sapagka’t ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios. 

6. At sa kadahilanang ang mga tao’y nagpasiyang mabuhay ng walang pagpapahalaga sa Diyos, anong ginawa ng Diyos?

Roma 1:24 Dahil dito’y sa karumihan ng mga pita ng kanilang mga puso ay ibinigay sila ng Dios sa kahalayan, upang alisan nila ng puri ang kanilang mga katawan sa kanikanilang sarili:

Roma 1:26 Dahil dito’y ibinigay sila ng Dios sa mga mahahalay na pita: sapagka’t pinalitan ng kanilang mga babae ang katutubong kagamitan niyaong nalalaban sa katutubo:

Roma 1:27 At gayon din naman ang mga lalake, na nang iwan na ang katutubong kagamitan sa mga babae, ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa’t isa, na gumagawa ng kahalayan ang mga lalake sa mga kapuwa lalake, at tumatanggap sa kanilang sarili ng kagantihan ng kanilang pagkakamali.

Roma 1:28 At palibhasa’y hindi nila minagaling na kilalanin ang Dios, ibinigay sila ng Dios sa isang mahalay na pagiisip, upang gawin yaong mga bagay na hindi nangararapat;

Roma 1:32 Na, bagama’t nalalaman nila ang kautusan ng Dios, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay mga karapatdapat sa kamatayan, ay hindi lamang gayon ang ginagawa, kundi naman pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon.

7. Ano ang iniisip ng Diyos tungkol sa isang bansa na iniingatan at sinusuportahan ang gawaing homosekswal?

Levitico 18:24 Huwag kayong magpakarumi sa alin man sa mga bagay na ito; sapagka’t lahat ng ito ay nangadumhan ang mga bansang aking palayasin sa harap ninyo:

Levitico 18:25 At nadumhan ang lupain: kaya’t aking dinadalaw ang kasamaang iyan diyan, at ang lupain din ang nagluluwa sa mga tumatahan diyan.

Awit 9:17. Ang masama ay mauuwi sa Sheol, pati ng lahat ng mga bansa na nagsisilimot sa Dios.

Karagdagang pag-aaral:

2 Cronica 19:2 At si Jehu na anak ni Hanani na tagakita ay lumabas na sinalubong siya, at sinabi sa haring Josaphat: Tutulungan mo ba ang mga masama at mamahalin yaong mga napopoot sa Panginoon? dahil sa bagay na ito ay kapootan ang sasaiyo na mula sa harap ng Panginoon. 

1 Hari 14:24 At nagkaroon din naman ng mga sodomita ang lupain: sila’y nagsigawa ng ayon sa lahat na karumaldumal ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ng Israel. 

1 Timoteo 1:9 Yamang nalalaman ito, na ang kautusan ay hindi ginawa dahil sa taong matuwid, kundi sa mga walang kautusan at manggugulo, dahil sa masasama at mga makasalanan, dahil sa mga di banal at mapaglapastangan, dahil sa nagsisipatay sa ama at sa nagsisipatay sa ina, dahil sa mga mamamatay-tao, 

1 Timoteo 1:10 Dahil sa mga nakikiapid, dahil sa mga mapakiapid sa kapuwa lalake, dahil sa mga nagnanakaw ng tao, dahil sa mga bulaan, dahil sa mga mapagsumpa ng kabulaanan, at kung mayroon pang ibang bagay laban sa mabuting aral.

8. Ano pa ang itinuturo ng Biblia na may kinalaman sa di-likas o labag sa batas na ugnayang sekswal?

Levitico 18:6 Huwag lalapit ang sinoman sa inyo sa kanino man sa kaniyang kamaganak na malapit, upang ilitaw ang kaniyang kahubaran: ako ang Panginoon. 

Levitico 18:7 Ang kahubaran ng iyong ama, o ang kahubaran ng iyong ina ay huwag mong ililitaw: siya’y iyong ina; huwag mong ililitaw ang kahubaran niya. 

Levitico 18:8 Ang kahubaran ng asawa ng iyong ama ay huwag mong ililitaw: yaon nga’y kahubaran ng iyong ama. 

Levitico 18:9 Ang kahubaran ng iyong kapatid na babae, na anak ng iyong ama o anak ng iyong ina, maging ipinanganak sa sarili o sa ibang bayan, ay huwag mong ililitaw ang kahubaran nila. 

Levitico 18:10 Ang kahubaran ng anak na babae ng iyong anak na lalake, o ng anak na babae ng iyong anak na babae, ay huwag mong ililitaw ang kahubaran nila: sapagka’t ang kahubaran nila ay kahubaran mo rin. 

Levitico 18:11 Ang kahubaran ng anak ng babae ng asawa ng iyong ama, na naging anak sa iyong ama, siya’y kapatid mo, huwag mong ililitaw ang kahubaran niya. 

Levitico 18:12 Ang kahubaran ng kapatid na babae ng iyong ama ay huwag mong ililitaw: siya’y kamaganak na malapit ng iyong ama. 

Levitico 18:13 Ang kahubaran ng kapatid na babae ng iyong ina ay huwag mong ililitaw: sapagka’t siya’y kamaganak na malapit ng iyong ina. 

Levitico 18:14 Ang kahubaran ng kapatid na lalake ng iyong ama ay huwag mong ililitaw, sa asawa niya ay huwag kang sisiping: siya’y iyong ali. 

Levitico 18:15 Ang kahubaran ng iyong manugang na babae ay huwag mong ililitaw: siya’y asawa ng iyong anak; ang kahubaran niya ay huwag mong ililitaw. 

Levitico 18:16 Ang kahubaran ng asawa ng iyong kapatid na lalake ay huwag mong ililitaw: kahubaran nga ng iyong kapatid na lalake. 

Levitico 18:17 Ang kahubaran ng isang babae at ng kaniyang anak na babae ay huwag mong ililitaw; huwag mong pakikisamahan ang anak na babae ng kaniyang anak na lalake o ang anak na babae ng kaniyang anak na babae, upang ilitaw ang kaniyang kahubaran; sila’y kamaganak na malapit: kasamaan nga. 

Levitico 18:18 At huwag kang makikisama sa isang babaing kalakip ng kaniyang kapatid, na magiging kaagaw niya, na iyong ililitaw ang kahubaran nito, bukod sa kahubaran niyaon, sa buong buhay niya. 

Levitico 18:19 At huwag kang sisiping sa isang babae na ililitaw ang kahubaran niya habang siya’y marumi sa kaniyang karumalan. 

Levitico 18:20 At huwag kang sisiping sa asawa ng iyong kapuwa, na magpapakadumi sa kaniya. 

Levitico 20:15 At kung ang isang lalake ay makiapid sa hayop, ay papatayin na walang pagsala: at papatayin din ninyo ang hayop.

Levitico 20:16 At kung ang isang babae ay lumapit sa alin mang hayop at pasiping ay papatayin mo ang babae at ang hayop: sila’y papatayin na walang pagsala; mabububo ang kanilang dugo sa kanila.

Karagdagang pag-aaral:

Exodo 22:19 Sinomang makiapid sa isang hayop ay papataying walang pagsala. 

Deuteronomio 27:20 Sumpain yaong sumiping sa asawa ng kaniyang ama; sapagka’t kaniyang inilitaw ang balabal ng kaniyang ama. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 

Deuteronomio 27:21 Sumpain yaong sumiping sa alinmang hayop. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 

Deuteronomio 27:22 Sumpain yaong sumiping sa kaniyang kapatid na babae, sa anak ng kaniyang ama, o sa anak na babae ng kaniyang ina. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 

Deuteronomio 27:23 Sumpain yaong sumiping sa kaniyang biyanan. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 

Hindi sa kadahilanang ang mga ganitong kasalanan ay hindi pinarurusahan ng kamatayan sa ngayon, ay hindi na nangangahulugan na ang mga ito’y magpapatuloy na hindi pinapansin ng Diyos o hindi tatanggap ng kaparusahan sa kaarawan ng paghatol.

9. Ano ang mangyayari sa mga buhay ng mga nabihag sa homosekswal na pamumuhay kung ninanais nilang magkamit ng walang hanggang buhay.

1 Juan 1:9 Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.

Isaias 55:7 Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang mga pagiisip; at manumbalik siya sa Panginoon, at kaaawaan niya siya; at sa aming Dios, sapagka’t siya’y magpapatawad ng sagana.

Karagdagang pag-aaral:

1 Corinto 6:11 At ganyan ang mga ilan sa inyo: nguni’t nangahugasan na kayo, nguni’t binanal na kayo, nguni’t inaring-ganap na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesucristo, at sa Espiritu ng ating Dios. 

“Noong si Lot ay pumasok sa Sodoma ay layunin niyang lubos na ingatan ang kanyang sarili upang maging malaya mula sa kasalanan at pasunurin sa kanya ang kanyang sambahayan. Subalit siya ay ganap na nabigo. Ang nakakahawang impluwensya sa kanyang kapaligiran ay nakaapekto sa kanyang pananampalataya, at ang naging relasyon ng kanyang mga anak sa mga taga Sodoma ang bumigkis sa kanyang mga interes upang maging katulad ng sa kanila. At ang naging bunga ay nasa ating harapan. 

“Marami ang nakagagawa ng gano’n ding pagkakamali. Sa pagpili ng matitirahan ay higit na pinag-uukulan nila ng pansin ang mga makalupang pakinabang ng higit sa moralidad at impluwensya ng mga makakasalamuha na papaligid sa kanila at sa kanilang sambahayan. Pumipili sila ng isang maganda at matabang lugar, o lumilipat sa isang maunlad na lungsod, sa pag-asang magkakaroon ng ibayong pag-unlad; subalit ang kanilang mga anak ay napapaligiran ng tukso, at malimit sila ay nagkakaroon ng mga samahang hindi angkop sa pagpapalago ng kabanalan at pagkakaroon ng tamang likas. Ang kapaligiran ng maluwag na moralidad, ng kawalan ng pananalig, ng pagwawalang bahala sa mga bagay tungkol sa relihiyon, ay may hilig na labanan ang impluwensya ng mga magulang. Ang mga halimbawa ng paglaban sa mga magulang at sa banal na awtoridad ay palaging nasa harap ng mga kabataan; marami ang nagkakaroon ng relasyon sa mga hindi naniniwala sa Dios at hindi kapananampalataya, at nakikipagkasundo sa mga kaaway ng Dios. 

“Sa pagpili ng tirahan, nais ng Dios na pag-ukulan natin ng pansin, una sa lahat, ang moralidad at pang relihiyong papaligid sa atin at sa ating sambahayan. Maaaring tayo ay malagay sa hindi magandang lugar, sapagkat marami ang nagkakaroon ng kapaligirang hindi nila ninanais; at kung saan tayo tawagin ng tungkulin, tayo ay tutulungan ng Dios upang manatiling dalisay, kung tayo ay magmamasid at mananalangin, samantalang nanalig sa biyaya ni Kristo. Subalit hindi kinakailangang ilantad natin ang ating mga sarili hanggang maaari sa hindi makabubuti sa pagkakaroon ng isang Kristianong likas. Kung sadya nating inilalagay ang ating mga sarili sa napapaligiran ng kamunduhan at kawalan ng pananampalataya, ay pinalulungkot natin ang Dios at pinaaalis natin ang mga anghel mula sa ating mga tahanan. 

“Yaong mga nagkakamit ng makasanlibutang kayamanan at karangalan kapalit ng kanilang mga hilig na pangwalang hanggan, sa huli ay mababatid na ang mga iyon ay lubhang kalugihan. Tulad ni Lot, marami ang nakikitang ang kanilang mga anak ay na- ngapapahamak, at halos di rin maligtas ang sarili nilang kaluluwa. Ang kanilang habang buhay na paggawa ay nasayang; at ang kanilang buhay ay isang malungkot na kabiguan. Kung kanila lamang ginamit ang wastong karunungan, maaaring ang kanilang mga anak ay nagkaroon lamang ng kaunting kasaganaan ng sanlibutan, subalit maaaring natiyak nila ang pagkakaroon ng walang hanggang mana.” -Patriarchs and Prophets, pages 168-169.