Lesson 11:

1. Kung tayo ay may pang walang hanggan kaligtasan na, saan dapat maitala ang ating mga pangalan?

Apocalipsis 21:27 At hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan: kundi yaon lamang na mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Cordero.

Daniel 12:1 At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa’t isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.

2. Sino ba ang Cordero?

Juan 1:29 Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!” At kaniyang tiningnan si Jesus samantalang siya’y naglalakad, at sinabi, Narito, ang Cordero ng Dios!

Apocalipsis 13:8. At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya, na ang kanikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa aklat ng buhay ng Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan.

3. Paano maisusulat ang ating mga pangalan sa “Aklat ng Buhay”?

1 Juan 5:12 Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Dios ay hindi kinaroroonan ng buhay.

Juan 3:16 Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

4. Kapag tinanggap na natin si Jesus bilang ating Tagapagligtas, maaari pa bang alisin ang ating pangalan mula sa “Aklat ng Buhay”?

Exodo 32:32 Gayon ma’y ngayon, kung iyong ipatatawad ang kanilang kasalanan; at kung hindi, ay alisin mo ako, isinasamo ko sa iyo, sa iyong aklat na sinulat mo.

Exodo 32:33 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ang magkasala laban sa akin ay siya kong aalisin sa aking aklat.

Apocalipsis 22:19 At kung ang sinoman ay magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng Dios ang kaniyang bahagi sa punong kahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na ito.

Karagdagang pag-aaral:

Awit 69:28 Mapawi sila sa aklat ng buhay, at huwag masulat na kasama ng matuwid. 

5. Kung ang aking pangalan ay manatili sa “Aklat ng Buhay”, ito ba’y sa dahilang, ako’y mananagumpay?

Apocalipsis 2:7 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay, ay siya kong pakakanin ng punong kahoy ng buhay, na nasa Paraiso ng Dios.

Apocalipsis 2:11 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay hindi parurusahan ng ikalawang kamatayan.

Apocalipsis 2:17 Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago, at siya’y bibigyan ko ng isang batong puti, at sa bato ay may nakasulat na isang bagong pangalan, na walang nakakaalam kundi yaong tumatanggap.

Apocalipsis 3:5 Ang magtagumpay ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel.

Karagdagang pag-aaral:

Apocalipsis 21:7 Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at ako’y magiging Dios niya, at siya’y magiging anak ko. 

6. Ano ang ating magiging kalagayan kung matapos nating tanggapin si Jesus bilang ating Tagapagligtas, ay itakuwil naman natin Siya?

2 Pedro 2:20 Sapagka’t kung, pagkatapos na sila’y makatakas sa mga pagkahawa sa sanglibutan sa pamamagitan ng pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo, ay muling mahalubiluhan at madaig niyaon, ay lalong sumasama ang huling kalagayan nila kay sa nang una.

2 Pedro 2:21 Sapagka’t magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran, kay sa, pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila.

7. Ano ang sinabi ni Apostol Pablo tungkol sa kaniyang sariling kaugnayan kay Cristo?

1 Corinto 9:27. Nguni’t hinahampas ko ang aking katawan, at aking sinusupil: baka sakaling sa anomang paraan, pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakuwil.

8. Maililigtas ba tayo ng ating kaugnayan sa iba?

Ezekiel 18:20. Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay: ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng ama, o magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak; ang katuwiran ng matuwid ay sasa kaniya, at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya.

Karagdagang pag-aaral:

Ezekiel 18:21 Nguni’t kung ang masama ay humiwalay sa kaniyang lahat na kasalanan na kaniyang nagawa, at ingatan ang lahat na aking mga palatuntunan, at gumawa ng tapat at matuwid, siya’y walang pagsalang mabubuhay, siya’y hindi mamamatay. 

Ezekiel 18:22 Wala sa kaniyang mga pagsalangsang na nagawa niya na aalalahanin laban sa kaniya: sa kaniyang katuwiran na kaniyang ginawa ay mabubuhay siya. 

Ezekiel 18:23 Mayroon baga akong anomang kasayahan sa kamatayan ng masama? sabi ng Panginoong Dios: at hindi baga mabuti na siya’y humiwalay sa kaniyang lakad, at mabuhay? 

Ezekiel 18:24 Nguni’t pagka ang matuwid ay humiwalay sa kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan, at gumagawa ng ayon sa lahat na kasuklamsuklam na ginagawa ng masamang tao, mabubuhay baga siya? Walang aalalahanin sa kaniyang mga matuwid na gawa na kaniyang ginawa: sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang isinalangsang, at sa kaniyang kasalanan na kaniyang ipinagkasala, sa mga yaon mamamatay siya. 

9. Ano ang maaaring mangyari kung sinasadya na nating magkasala?

Hebreo 10:26 Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan,

Hebreo 10:27 Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway.

Kapag sinasabi ng Biblia na “wala ng nalalabi pang handog para sa kasalanan”, ito’y payak na nangangahulugang hindi na tayo nababalutan pa ng katuwiran ni Cristo. Dapat nating ipahayag ang ating kasalanan at magsisi kung nais pa nating tanggapin muli ang pabor ng Diyos. Ang Diyos ay nasasabik na ibalik tayo sa Kaniyang sarili, at sa panunumbalik na ito ay dumarating ang kapangyarihan upang mai-sakabuhayan ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kaniyang mga utos.

10. Maaari kayang mangyari na yaong mga nakaranas na ng bagong kapanganakan ay mawala muli sa karanasang ito ng pagbabagong buhay?

1 Samuel 10:9-10 At nangyaring gayon, na nang kaniyang matalikdan na iwan niya si Samuel, ay binigyan siya ng Dios ng ibang puso: at ang lahat na tandang yaon ay nangyari sa araw na yaon.

1 Samuel 10:9-11 At nang sila’y dumating doon sa burol, narito, isang pulutong na mga propeta ay nasasalubong niya; at ang Espiritu ng Dios ay makapangyarihang suma kaniya, at siya’y nanghula sa gitna nila.

1 Cronica 10:13 Sa gayo’y namatay si Saul dahil sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang nagawa laban sa Panginoon, dahil sa salita ng Panginoon na hindi niya iningatan; at dahil naman na siya’y nakipagsanggunian sa masamang espiritu, upang pagsiyasatan.

1 Cronica 10:14. At hindi nagsiyasat sa Panginoon: kaya’t pinatay niya siya, at inilipat ang kaharian kay David na anak ni Isai.

11. Sang-ayon kay David, may panganib bang umalis ang Banal na Espiritu?

Awit 51:11 Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; at huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin.

12. Bilang mga Kristiyano, mangyayari pa kaya na lubos tayong tumalikod sa Panginoon?

Hebreo 3:12 Magsipagingat kayo, mga kapatid, baka sakaling mayroon sa kanino man sa inyo ng isang pusong masama na walang pananampalataya, na naghihiwalay sa inyo sa Dios na buhay.

13. Mananatili pa kaya sa atin ang Panginoon kung tatalikuran natin Siya?

2 Cronica 15:2. At siya’y lumabas na sinalubong si Asa, at sinabi niya sa kaniya, Dinggin ninyo ako, Asa, at buong Juda at Benjamin: ang Panginoon ay sumasa inyo samantalang kayo’y sumasa kaniya: at kung inyong hanapin siya, siya’y masusumpungan ninyo; nguni’t kung pabayaan ninyo siya, kaniyang pababayaan kayo. 

Karagdagang pag-aaral:

Kawikaan 28:18 Ang lumalakad ng matuwid ay maliligtas: nguni’t siyang masama sa kaniyang mga lakad ay mabubuwal na bigla. 

14. Ano ang maaaring mangyari sa kanila na hindi kailanman naitala ang pangalan sa “Aklat ng Buhay” o sa mga pangalang tinanggal na mula rito?

Apocalipsis 20:15 At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.

15. Ano ang nakalaang gantimpala sa mga sumusunod sa mga utos ng Diyos sa pamamagitan ng kapangyarihang inilaan sa pamamagitan ng pananahan ni Cristo?

Apocalipsis 22:14 Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila’y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan.

16. Kung ang ating mga pangalan ay naitala na sa “Aklat ng Buhay”, ano ang magagawa natin?

Lucas 10:20 Gayon ma’y huwag ninyong ikagalak ito, na ang mga espiritu ay nagsisisuko sa inyo; kundi inyong ikagalak na nangasusulat ang inyong mga pangalan sa langit.

“Ang lahat ng tapat na nagsisi ng kanilang kasalanan at sa pamamagitan ng pananampalataya’y inangkin nila ang dugo ni Kristo na pinakahaing sa kanila’y tumutubos, ay nagkamit ng kapatawaran na itinala sa tapat ng kanilang mga pangalan sa mga aklat ng langit; at sapagka’t nangaging kabahagi sila ng katuwiran ni Kristo, at ang mga likas nila’y natagpuang kasang-ayon ng kautusan ng Diyos, ang kanilang mga kasalanan ay papawiin, at sila’y ibibilang na karapat-dapat magtamo ng buhay na walang-hanggang. Sa pamamagitan ni Isaias ay ipinahayag ng Panginoon: “Ako, Ako nga ay siyang pumapawi ng iyong mga pagsalansang alang-alang sa Akin, at hindi Ko aalalahanin ang iyong mga kasalanan.” Isaias 43:25

“Ang mataos na interes na ipinakikita ng mga tao sa mga kapasiyahan ng mga hukuman dito sa lupa ay bahagya lamang kumakatawan sa interes na mahahayag sa hukuman sa langit kapag ang mga pangalang nakatala sa aklat ng buhay ay mapapaharap sa Hukom ng buong lupa. Iniharap ng banal na Tagapamagitan ang Kanyang pamanhik, na ang lahat ng nanaig sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanyang dugo ay patawarin sa lahat nilang pagsalansang, isauli sa kanilang tahanang Eden, at putungang tulad sa mga tagapaginana Niya ng “dating kapangyarihan.”25 Sa mga pagsisikap ni Satanas na dayain at tuksuhin ang ating lahi, ay inakala niyang ibagsak ang panukala ng Diyos sa pagkalalang sa tao; datapuwa’t ngayo’y hinihingi ni Kristo na bigyang bisa ang panukalang ito, gaya ng kung hindi nagkasala. Hinihingi Niya para sa Kanyang bayan hindi lamang ang kapatawaran at pagaaring matuwid na lubos at ganap, kundi sila’y magkaroon ng bahagi sa Kanyang luklukan.” -The Great Controversy, pages 483, 484.