Lesson 26:

1. Paano at saan itinatag ang pitong araw na sanlinggo?

Genesis 2:1 At nayari ang langit at ang lupa, at ang lahat na natatanaw sa mga iyon. 

Genesis 2:2 At nang ikapitong araw ay nayari ng Dios ang kaniyang gawang ginawa; at nagpahinga ng ikapitong araw sa madlang gawa niyang ginawa. 

2. Ano ang ginawa ng Diyos sa ikapitong araw ng sanlinggo?

Genesis 2:3 At binasbasan ng Dios ang ikapitong araw at kaniyang ipinangilin, sapagka’t siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa. 

Sa pagtingin sa salitang “sanctify” (KJV) sa diksyunaryo, ating malalaman na ang ibig sabihin nito ay ibinukod bilang banal, italagang banal.

3. Sino ang sinasabi ng Biblia na nagmamay-ari sa Sabbath; ang Diyos ba o ang mga Judio?

Exodo 20:10 Nguni’t ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan.

Karaniwan ng sinasabi na ang ikapitong araw ay ang Sabbath ng mga Judio. Gaya ng sinabi sa nabanggit na mga talata, ang ikapitong araw na Sabbath ay itinatag sa paglalang, mga 2,300 taon bago nagkaroon ng isang Judio.

4. Ang sampung utos ba ay ibinigay sa Israel sa pamamagitan ni Moises o ang tinig ng buhay na Diyos ay nagpahayag ng mga ito sa pandinig ng buong Israel?

Exodo 20:1 At sinalita ng Dios ang lahat ng salitang ito, na sinasabi.

Deuteronomio 4:12 At ang Panginoo’y nagsalita sa inyo mula sa gitna ng apoy; inyong narinig ang tinig ng mga salita, nguni’t wala kayong anyong nakita; ang inyo lamang narinig ay isang tinig. 

Deuteronomio 4:13 At kaniyang ipinahayag sa inyo ang kaniyang tipan, na kaniyang iniutos sa inyong ganapin, sa makatuwid baga’y ang sangpung utos; at kaniyang isinulat sa dalawang tapyas na bato. 

5. Ano ang unang salita sa ikaapat na utos?

Exodo 20:8 Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin. 

6. Alam na ba ng mga anak ni Israel ang tungkol sa Sabbath bago pa isinulat ng Diyos ang mga utos sa mga tapyas na bato?

Exodo 16:26 Anim na araw na inyong pupulutin; datapuwa’t sa ikapitong araw ay sabbath, hindi magkakaroon. 

Exodo 16:30 Kaya ang bayan ay nagpahinga sa ikapitong araw. 

Ang tagubilin tungkol sa pagtitipon ng manna ay ibinigay sa mga Israelita mga anim na buwan o higit pa bago ibinigay ang sampung utos sa Sinai.

Karagdagang pag-aaral:

Exodo 16:16 Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon, Pumulot ang bawa’t tao ayon sa kaniyang kain; isang omer sa bawa’t ulo, ayon sa bilang ng inyong mga tao, ang kukunin ng bawa’t tao para sa mga nasa kaniyang tolda. 

Exodo 16:17 At gayon ginawa ng mga anak ni Israel, at may namulot ng marami, at may kaunti. 

Exodo 16:18 At nang timbangin sa omer, ang namulot ng marami ay walang higit, at ang namulot ng kaunti ay hindi nagkulang; bawa’t tao ay pumulot ng ayon sa kaniyang kain. 

Exodo 16:19 At sinabi ni Moises sa kanila, Huwag magtira niyaon ang sinoman ng hanggang sa umaga. 

Exodo 16:20 Gayon ma’y hindi sila nakinig kay Moises; kungdi ang iba sa kanila ay nagtira niyaon hanggang sa umaga, at inuod at bumaho; at naginit sa kanila si Moises. 

Exodo 16:21 At sila’y namumulot tuwing umaga, bawa’t tao ayon sa kaniyang kain: at pagka ang araw ay umiinit na, ay natutunaw. 

Exodo 16:22 At nangyari, na nang ikaanim na araw, ay pumulot sila ng pagkain na ibayo ang dami, dalawang omer sa bawa’t isa: at lahat ng puno sa kapisanan ay naparoon at nagsaysay kay Moises. 

Exodo 16:23 At kaniyang sinabi sa kanila, Ito ang sinalita ng Panginoon, Bukas ay takdang kapahingahan, banal na sabbath sa Panginoon: ihawin ninyo ang inyong iihawin, at lutuin ninyo ang inyong lulutuin; at lahat na lalabis ay itago ninyo sa ganang inyo, na inyong itira hanggang sa kinabukasan. 

Exodo 16:24 At kanilang itinago hanggang sa kinaumagahan, gaya ng iniutos ni Moises: at hindi bumaho, ni nagkaroon ng anomang uod. 

Exodo 16:25 At sinabi ni Moises, Kanin ninyo yaon ngayon; sapagka’t ngayo’y sabbath na ipinangingilin sa Panginoon: ngayo’y hindi kayo makakasumpong sa parang. 

Exodo 16:26 Anim na araw na inyong pupulutin; datapuwa’t sa ikapitong araw ay sabbath, hindi magkakaroon. 

Exodo 16:27 At nangyari sa ikapitong araw, na lumabas ang iba sa bayan upang mamulot, at walang nasumpungan. 

Exodo 16:28 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Hanggang kailan tatanggihan ninyo ganapin ang aking mga utos at ang aking mga kautusan? 

Exodo 16:29 Tingnan ninyo, na sapagka’t ibinigay ng Panginoon sa inyo ang sabbath, kung kaya’t kaniyang ibinibigay sa inyo sa ikaanim na araw ang pagkain ng sa dalawang araw; matira ang bawa’t tao sa kaniyang kinaroroonan, huwag umalis ang sinoman sa kaniyang kinaroroonan, sa ikapitong araw. 

Exodo 16:30 Kaya ang bayan ay nagpahinga sa ikapitong araw. 

7. Ang Sabbath ba ay iningatan ni Cristo?

Lucas 4:16 At siya’y napasa Nazaret na kaniyang nilakhan: at ayon sa kaniyang kaugalian, siya’y pumasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagtindig upang bumasa. 

Karagdagang pag-aaral:

Marcos 1:21 At nagsipasok sila sa Capernaum; at pagdaka’y pumasok siya sa sinagoga nang araw ng sabbath at nagtuturo. 

Marcos 6:2 At nang dumating ang sabbath, ay nagpasimulang magturo siya sa sinagoga: at marami sa nangakakarinig sa kaniya ay nangagtataka, na nangagsasabi, Saan nagkaroon ang taong ito ng mga bagay na ito? at, Anong karunungan ito na sa kaniya’y ibinigay, at anong kahulugan ng gayong mga makapangyarihang gawa na ginagawa ng kaniyang mga kamay? 

Lucas 13:10 At siya’y nagtuturo sa mga sinagoga nang araw ng sabbath. 

Juan 15:10 Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, ay magsisipanahan kayo sa aking pagibig; gaya ng aking pagtupad sa mga utos ng aking Ama, at ako’y nananatili sa kaniyang pagibig. 

8. Sa Juan 1:1-3 at Colosas 1:15-16 ating makikita na si Jesus ang Isang aktibong sangkot sa paglalang bilang Ang Manlalalang.

Juan 1:1 Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. 

Juan 1:2 Ito rin nang pasimula’y sumasa Dios. 

Juan 1:3 Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya. 

Colosas 1:15 Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang; 

Colosas 1:16 Sapagka’t sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya; 

Sa unang bahagi ng araling ito, ating nalaman na ang Sabbath ay itinatag sa panahon ng paglalang. Dahil nilalang ni Jesus ang Sabbath, paano ito tinutukoy sa Bagong Tipan?

Marcos 2:27 At sinabi niya sa kanila, Ginawa ang sabbath ng dahil sa tao, at di ang tao ng dahil sa sabbath: 

Marcos 2:28 Kaya’t ang Anak ng tao ay panginoon din naman ng sabbath. 

Karagdagang pag-aaral:

Mateo 12:8 Sapagka’t ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath. 

Lucas 6:5 At sinabi niya sa kanila, Ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath. 

Kung si Jesus ang Panginoon ng Sabbath, kung gayon ang ikapitong araw na Sabbath ay araw ng Panginoon.

Karagdagang pag-aaral:

Apocalipsis 1:10 Ako’y nasa Espiritu nang araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang dakilang tinig, na tulad sa isang pakakak. 

Isaias 58:13 Kung iyong iurong ang iyong paa sa sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na kaarawan; at iyong tawagin ang sabbath na kaluguran, at ang banal ng Panginoon na marangal; at iyong pararangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad, ni hahanap ng iyong sariling kalayawan, ni magsasalita ng iyong mga sariling salita.

Exodo 20:10 Nguni’t ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan.

9. Obligado bang ipangilin ang Sabbath ng mga taong inilakip ang kanilang mga sarili sa Panginoon?

Isaias 56:6 Gayon din ang mga taga ibang lupa, na nakikilakip sa Panginoon, upang magsipangasiwa sa kaniya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang magsipangasiwa sa kaniya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang maging kaniyang mga lingkod, bawa’t nangingilin ng sabbath upang huwag lapastangin, at nagiingat ng aking tipan; 

Isaias 56:7 Sila ay dadalhin ko sa aking banal na bundok, at papagkakatuwain ko sila sa aking bahay na dalanginan: ang kanilang mga handog na susunugin at ang kanilang mga hain ay tatanggapin sa aking dambana; sapagka’t ang aking bahay ay tatawaging bahay na panalanginan para sa lahat ng mga bayan. 

10. Halos 30 taon pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli ni Cristo, saan pumunta si apostol Pablo at ang kaniyang mga kasamahan at ano ang kanilang ginawa?

Gawa13:14 Datapuwa’t sila, pagkatahak sa Perga, ay nagsidating sa Antioquia ng Pisidia; at sila’y nagsipasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagsiupo. 

Gawa 13:15 At pagkatapos ng pagbasa ng kautusan at ng mga propeta, ang mga pinuno sa sinagoga ay nagpautos sa kanila, na sinasabi, Mga kapatid, kung mayroon kayong anomang iaaral sa bayan, ay mangagsalita kayo. 

Gawa 13:16 At nagtindig si Pablo, at ang kamay ay ikinikiya na nagsabi, Mga lalaking taga Israel, at kayong nangatatakot sa Dios, magsipakinig kayo. 

11. Naka-ugalian ba ni Pablo ang pumunta sa sinagoga upang sumamba at mangaral tuwing araw ng Sabbath?

Gawa 17:1 Pagkatahak nga nila sa Amfipolis at sa Apolonia, ay nagsirating sila sa Tesalonica, na kinaroroonan ng isang sinagoga ng mga Judio. 

Gawa 17:2 At si Pablo, ayon sa ugali niya ay pumasok sa kanila, at sa tatlong sabbath ay nangatuwiran sa kanila sa mga kasulatan.

Karagdagang pag-aaral:

Gawa 13:14 Datapuwa’t sila, pagkatahak sa Perga, ay nagsidating sa Antioquia ng Pisidia; at sila’y nagsipasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagsiupo. 

Gawa 13:15 At pagkatapos ng pagbasa ng kautusan at ng mga propeta, ang mga pinuno sa sinagoga ay nagpautos sa kanila, na sinasabi, Mga kapatid, kung mayroon kayong anomang iaaral sa bayan, ay mangagsalita kayo. 

Gawa 13:16 At nagtindig si Pablo, at ang kamay ay ikinikiya na nagsabi, Mga lalaking taga Israel, at kayong nangatatakot sa Dios, magsipakinig kayo. 

Gawa 13:42 At pagalis nila, ay kanilang ipinamanhik na salitain sa kanila ang mga salitang ito sa sabbath na susunod. 

Gawa 13:43 Nang makaalis nga ang kapisanan sa sinagoga, marami sa mga Judio at nangaging-Judiong masisipag sa kabanalan ay nagsisunod kay Pablo at kay Bernabe; na, sa pagsasalita sa kanila, ay sila’y hinimok na magsipanatili sa biyaya ng Dios. 

Gawa 13:44 At nang sumunod na sabbath ay nagkatipon halos ang buong bayan upang pakinggan ang salita ng Dios. 

Gawa 16:12 At mula doo’y ang Filipos, na isang bayan ng Macedonia, na siyang una sa purok, lupang nasasakupan ng Roma: at nangatira kaming ilang araw sa bayang yaon. 

Gawa 16:13 At nang araw ng sabbath ay nagsilabas kami sa labas ng pintuan sa tabi ng ilog, na doo’y sinapantaha naming may mapapanalanginan; at kami’y nangaupo, at nakipagsalitaan sa mga babaing nangagkatipon. 

Gawa 18:1 Pagkatapos ng mga bagay na ito’y umalis siya sa Atenas, at napasa Corinto. 

Gawa 18:2 At nasumpungan niya ang isang Judio na nagngangalang Aquila, isang lalaking tubo sa Ponto, na hindi pa nalalaong nanggagaling sa Italia, kasama ni Priscila na kaniyang asawa, sapagka’t ipinagutos ni Claudio na ang lahat ng mga Judio ay magsialis sa Roma: at siya’y lumapit sa kanila; 

Gawa 18:3 At sapagka’t ang hanap-buhay niya’y gaya rin ng kanila, ay nakipanuluyan siya sa kanila, at sila’y nagsigawa: sapagka’t ang hanap-buhay nila’y gumawa ng mga tolda. 

Gawa 18:4 At siya’y nangangatuwiran tuwing sabbath sa sinagoga, at hinihikayat ang mga Judio at ang mga Griego. 

Gawa 18:11 At siya’y tumahan doong isang taon at anim na buwan, na itinuturo sa kanila ang salita ng Dios. 

12. Ipinahayag ni Pablo sa Hebreo 13:8 “Si Jesucristo ay siya ring kahapon, at ngayon, oo at magpakailan man.” Kung hindi nagbabago si Jesus, gayundin ang Kaniyang utos. Ano ang sinabi mismo ni Jesus?

Mateo 5:17 Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin. 

Mateo 5:18 Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay. 

Malakias 3:6 Sapagka’t ako, ang Panginoon, ay hindi nababago, kaya’t kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob ay hindi nangauubos. 

13. Ang utos ba ukol sa Sabbath ay kasinghalaga ng pagsunod sa lahat ng iba pang mga utos?

Santiago 2:10 Sapagka’t ang sinomang gumaganap ng buong kautusan, at gayon ma’y natitisod sa isa, ay nagiging makasalanan sa lahat. 

Santiago 2:11 Sapagka’t ang nagsabi, Huwag kang mangalunya, ay nagsabi, naman, Huwag kang pumatay. Ngayon, kung ikaw ay hindi nangangalunya, nguni’t pumapatay ka, ay nagiging suwail ka sa kautusan. 

Santiago 2:12 Gayon ang inyong salitain, at gayon ang inyong gawin, na gaya ng mga taong huhukuman sa pamamagitan ng kautusan ng kalayaan. 

Karagdagang pag-aaral:

Exodo 31:14 Inyong ipangingilin ang sabbath nga; sapagka’t yao’y pangilin sa inyo: bawa’t lumapastangan ay walang pagsalang papatayin: sapagka’t sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na yaon, ay ihihiwalay ang taong yaon sa kaniyang bayan. 

Exodo 31:15 Anim na araw na gagawin ang gawain; datapuwa’t ang ikapitong araw ay sabbath na takdang kapahingahan, pangilin sa Panginoon: sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw ng sabbath, ay walang pagsalang papatayin. 

Exodo 31:16 Kaya’t ang mga anak ni Israel ay mangingilin ng sabbath, na tutuparin ang sabbath sa buong panahon ng kanilang mga lahi, na pinakapalaging tipan. 

Exodo 31:17 Ito’y isang tanda sa akin at sa mga anak ni Israel magpakailan man: sapagka’t sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, at sa ikapitong araw, ay nagpahinga at naginhawahan. 

Bilang 15:32 At samantalang ang mga anak ni Israel ay nangasa ilang, ay nakasumpong sila ng isang lalake na namumulot ng kahoy sa araw ng sabbath. 

Bilang 15:33 At silang nakasumpong sa kaniya na namumulot ng kahoy, ay dinala siya kay Moises, at kay Aaron, at sa buong kapisanan. 

Bilang 15:34 At kanilang inilagay siya sa bilangguan, sapagka’t hindi pa ipinahahayag kung ano ang gagawin sa kaniya. 

Bilang 15:35 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ang lalake ay walang pagsalang papatayin; babatuhin siya ng buong kapisanan sa labas ng kampamento. 

Bilang 15:36 At inilabas siya ng buong kapisanan sa kampamento at kanilang binato siya hanggang sa mamatay ng mga bato; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. 

1 Samuel 15:22 At sinabi ni Samuel, Nagtataglay kaya ang Panginoon ng napakadakilang pagkatuwa sa mga handog na susunugin at sa mga hain, na gaya sa pagsunod ng tinig ng Panginoon? Narito, ang pagsunod ay maigi kay sa hain, at ang pagdinig kay sa taba ng mga tupang lalake. 

1Samuel 15:23 Sapagka’t ang panghihimagsik ay gaya ng kasalanan ng panghuhula, at ang katigasan ng ulo ay gaya ng pagsamba sa mga diosdiosan at sa mga terap. Sapagka’t dahil sa iyong itinakuwil ang salita ng Panginoon, ay kaniya namang itinakuwil ka upang huwag ka nang maging hari. 

Apocalipsis 14:12 Narito ang pagtitiyaga ng mga banal, ng mga nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at ng pananampalataya kay Jesus. 

Apocalipsis 22:14 Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila’y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan. 

14. Ano ang sinasabi ni propeta Isaias tungkol sa nararapat nating gawin sa araw ng Sabbath?

Isaias 58:12 At silang magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming sali’t saling lahi; at ikaw ay tatawagin Ang tagapaghusay ng sira, Ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan. 

Isaias 58:13 Kung iyong iurong ang iyong paa sa sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na kaarawan; at iyong tawagin ang sabbath na kaluguran, at ang banal ng Panginoon na marangal; at iyong pararangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad, ni hahanap ng iyong sariling kalayawan, ni magsasalita ng iyong mga sariling salita: 

Isaias 58:14 Kung magkagayo’y malulugod ka nga sa Panginoon; at pangangabayuhin kita sa mga mataas na dako sa lupa; at pakakanin kita ng mana ni Jacob na iyong ama; sapagka’t sinalita ng bibig ng Panginoon. 

Pansinin sa talatang 12 na ang bayan ng Diyos ay tinawag na “Ang tagapaghusay ng sira, Ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan.” Binibigyang kahulugan ng Strong’s Concordance ang salitang “breach” (KJV) bilang sira o may siwang. Sa Ezekiel 20, binanggit ng Diyos kung ano ang mangyayari sa mga lumalakad sa Kaniyang mga palatuntunan at hindi nilalapastangan (winawalang kabuluhan) ngunit pinapaging banal ang Kaniyang Sabbath. Ang kahihinatnan ng mga hindi lumalakad sa Kaniyang mga palatuntunan at nilalapastangan ang Sabbath ay naitala rin. Kung may mga taong nilalapastangan ang Sabbath, gumagawa sila ng sira sa kautusan ng Diyos. Dapat ayusin ng bayan ng Diyos at papanumbalikin sa dati and sirang iyon, na itinuturo sa mga tao ang banal na kautusan ng Diyos at ang naangkop na lugar ng Sabbath sa Kaniyang banal na utos.

15. Ang Sabbath ba ay nilalang bilang alaala ng Kaniyang paglalang?

Exodo 20:11 Sapagka’t sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pa’t pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal. 

Exodo 31:17 Ito’y isang tanda sa akin at sa mga anak ni Israel magpakailan man: sapagka’t sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, at sa ikapitong araw, ay nagpahinga at naginhawahan. 

Ang isa pang salita para sa alaala ay bantayog at ang diksyunaryo ay nagsasabing ang bantayog ay nangangahulugang “isang bagay na itinayo upang panatilihing buhay ang alaala ng isang tao [Juan 1:1-3] o pangyayari [Genesis 2:1-3] . . . isang gawaing may pangmatagalang kahalagahan.”

Juan 1:1 Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. 

Juan 1:2 Ito rin nang pasimula’y sumasa Dios. 

Juan 1:3 Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya. 

Genesis 2:1 At nayari ang langit at ang lupa, at ang lahat na natatanaw sa mga iyon. 

Genesis 2:2 At nang ikapitong araw ay nayari ng Dios ang kaniyang gawang ginawa; at nagpahinga ng ikapitong araw sa madlang gawa niyang ginawa. 

Genesis 2:3 At binasbasan ng Dios ang ikapitong araw at kaniyang ipinangilin, sapagka’t siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa. 

16. Ang isang opisyal na tatak ng isang nasa kapangyarihan ay naglalarawan ng tatlong bagay: (1) ang pangalan ng opisyal, (2) ang tungkulin na kaniyang ginagampanan, (3) at ang teritoryong nasasakupan ng kaniyang tungkulin. Matatagpuan ba ang tatak ng Diyos sa ikaapat na utos?

Exodo 20:8 Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin. 

Exodo 20:9 Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain. 

Exodo 20:10 Nguni’t ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan: 

Exodo 20:11 Sapagka’t sa anim na araw ay ginawa (2. tungkulin na kaniyang ginagampanan) ng Panginoon (1. pangalan ng opisyal) ang langit at lupa, ang dagat (3. teritoryong nasasakupan), at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pa’t pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal. 

Maaari mong sundin ang siyam na utos at sumamba sa ibang bagay, ngunit kung iyong isasama ang ikaapat na utos dapat mong sambahin ang Manlalalang.

17. Ang Sabbath ba ay isang tatak (tanda, tipan) sa pagitan ng Diyos at ng Kaniyang bayan?

Exodo 31:16 Kaya’t ang mga anak ni Israel ay mangingilin ng sabbath, na tutuparin ang sabbath sa buong panahon ng kanilang mga lahi, na pinakapalaging tipan. 

Exodo 31:17 Ito’y isang tanda sa akin at sa mga anak ni Israel magpakailan man: sapagka’t sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, at sa ikapitong araw, ay nagpahinga at naginhawahan. 

Ezekiel 20:12 Bukod dito’y ibinigay ko rin naman sa kanila ang aking mga sabbath, upang maging tanda sa akin at sa kanila, upang kanilang makilala na ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila. 

18. Paano inilalarawan ng Exodo 31:16 ang ugnayan ng Sabbath sa pagitan ng Diyos at ng tao?

Exodo 31:16 Kaya’t ang mga anak ni Israel ay mangingilin ng sabbath, na tutuparin ang sabbath sa buong panahon ng kanilang mga lahi, na pinakapalaging tipan. 

Ang tipan ay isang may-bisang kasunduan sa pagitan ng dalawang partido, ayon sa diksyunaryo, “sa teolohikong pakahulugan, ito ang mga pangakong ginawa ng Diyos para sa tao, gaya ng nakatala sa Biblia.”

19. Hanggang kailan mananatiling may bisa ang tipang ukol sa Sabbath ayon sa sinabi ng Diyos?

Exodo 31:16 Kaya’t ang mga anak ni Israel ay mangingilin ng sabbath, na tutuparin ang sabbath sa buong panahon ng kanilang mga lahi, na pinakapalaging tipan. 

20. Kung ginawa ng Diyos ang tipang ito sa sinaunang Israel, bakit ito nananatiling may bisa para sa mga Kristiyano sa ngayon?

Galacia 3:29 At kung kayo’y kay Cristo, kayo nga’y binhi ni Abraham, at mga tagapagmana ayon sa pangako. 

Ang binhi ni Abraham ay naging mga anak ni Israel. Ang lahat ng pangako sa sinaunang Israel ay para sa kapakinabangan ng espirituwal na Israel ngayon.

21. Ano ang ating bahagi sa tipang (kasunduan) ito na ukol sa Sabbath?

Exodo 20:8 Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin. 

Exodo 31:13 Salitain mo rin sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Katotohanang ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath; sapagka’t isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga lahi, upang inyong makilala na ako ang Panginoon na nagpapabanal sa inyo. 

Exodo 31:14 Inyong ipangingilin ang sabbath nga; sapagka’t yao’y pangilin sa inyo: bawa’t lumapastangan ay walang pagsalang papatayin: sapagka’t sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na yaon, ay ihihiwalay ang taong yaon sa kaniyang bayan.

Karagdagang pag-aaral:

Levitico 19:30 Ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath, at igagalang ninyo ang aking santuario: ako ang Panginoon. 

Isaias 56:2 Mapalad ang taong gumagawa nito, at ang anak ng tao na nanghahawak dito; na nangingilin ng sabbath upang huwag lapastanganin, at nagiingat ng kaniyang kamay sa paggawa ng anomang kasamaan. 

Kung papaano iingatang banal ang araw ng Sabbath ay isang paksa sa susunod na aralin.

22. Ipangingilin pa rin ba ang Sabbath sa bagong langit at sa bagong lupa?

Isaias 66:22 Sapagka’t kung paanong ang mga bagong langit at ang bagong lupa, na aking lilikhain ay mananatili sa harap ko, sabi ng Panginoon, gayon mananatili ang inyong lahi, at ang inyong pangalan. 

Isaias 66:23 At mangyayari, na mula sa bagong buwan hanggang sa panibago, at mula sa isang sabbath hanggang sa panibago, paroroon ang lahat na tao upang sumamba sa harap ko, sabi ng Panginoon. 

Apocalipsis 22:14 Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila’y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan. 

23. Ano ang sinabi ng pinakamatalinong tao sa lupa (si Haring Solomon) tungkol sa pagsunod sa kautusan?

Kawikaan 7:2 Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka; at ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata. 

Kawikaan 7:3 Itali mo sa iyong mga daliri; ikintal mo sa iyong puso. 

Karagdagang pag-aaral:

Ecclesiastes 12:13 Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka’t ito ang buong katungkulan ng tao. 

24. Ngayong alam ko na kung ano ang aking bahagi sa tipang ito na ukol sa Sabbath, ano ngayon ang aking tungkulin?

Hebreo 2:1 Kaya’t nararapat nating pagkatantuin ang mga bagay na narinig, baka sakaling tayo’y makahagpos. 

Santiago 4:17 Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito’y kasalanan sa kaniya. 

Juan 14:15 Kung ako’y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos. 

IT’S JEWISH!

By Uriah Smith

When we present God’s holy law

And arguments from Scripture draw,

Objectors say, to pick a flaw:

“It’s Jewish!”

Though at first Jehovah blessed

And sanctified His day of rest,

The same belief is still expressed:

“It’s Jewish!”

Though with Creation this rest began

And thence through all the Scriptures ran,

And Jesus said ’twas made for man–

“It’s Jewish!”

If from the Bible we present

The Sabbath’s meaning and intent,

This answers every argument:

“It’s Jewish!”

Though the disciples Luke and Paul

Continued still this rest to call

The Sabbath day, this answers all:

“It’s Jewish!”

The Gospel Teacher’s plain expression

That sin is of the Law transgression

Seems not to make the least impression;

“It’s Jewish!”

They love the day of man’s invention,

But if Jehovah’s rest we mention

This puts an end to all contention:

“It’s Jewish!”

Oh ye who thus God’s day abuse

Simply because ’twas kept by Jews,

The Saviour, too, you must refuse–

“He’s Jewish!”

The Scriptures, then, we may expect

For the same reason you’ll reject.

For if you’ll stop to recollect,

“They’re Jewish!”

Thus the apostles, too, must fall,

For Andrew, Peter, James and Paul,

Thomas, Matthew, John, and all

Were Jewish.

So to your hapless state resign

Yourself to wretchedness to pine;

Salvation surely you’ll decline-

“It’s Jewish!”