Lesson 2:

1. Ang Biblia ba ay kinasihan ng Diyos o ito ba ay isang aklat ng mga katha?

2 Pedro 1:16 Sapagka’t kami ay hindi nagsisunod sa mga kathang ginawang mainam, noong aming ipinakilala sa inyo ang kapangyarihan at pagparito ng ating Panginoong Jesucristo, kundi kami ay naging mga saksing nakakita ng kaniyang karangalan. 

2 Pedro 1:21 Sapagka’t hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo. 

2. Ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa sarili nito?

2 Timoteo 3:16 Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran.

Sinasabi sa atin ng Strong’s Exhaustive Concordance na ang ibig sabihin ng inspiration ay: divinely breathed.

3. Bakit mahalaga para sa atin ang Biblia?

1 Corinto 10:11 Ang mga bagay na ito nga’y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon. 

Awit 119:105 Ang salita mo’y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas. 

2 Timoeto 3:15 At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. 

Karagdagang pag-aaral:

Roma 15:4 Sapagka’t ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa

4. Ano ang isinama ng Diyos sa Kaniyang salita upang makatulong sa atin na magkaroon ng tiwala sa banal na pagkasi nito?

Isaias 42:9 Narito, ang mga dating bagay ay nangyayari na, at ang mga bagong bagay ay ipinahahayag ko: bago mangalitaw ay sinasaysay ko sa inyo

Isaias 46:9 Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka’t ako’y Dios, at walang iba liban sa akin; ako’y Dios, at walang gaya ko.

Isaias 46:10 Na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula, at mula nang mga unang panahon, ng mga bagay na hindi pa nangyayari; na nagsasabi, Ang payo ko ay mananayo, at gagawin ko ang aking buong kaligayahan.

Karamihan sa mga propesiya sa Biblia (mga hula) ay nagkaroon na ng katuparan, at nakakatuwang makita kung paano nagagawa ng Diyos na mahulaan ang mga mangyayari sa hinaharap nang may 100% katumpakan. Maglalaan tayo ng oras sa isa pang aralin upang pag-aralan ang mga magagandang bagay na ito.

5. Kanino ang mga Kasulatan ay nagpapatotoo?

Lucas 24:27 At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan. 

Lucas 24:44 At sinabi niya sa kanila, Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako’y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit. 

Juan 5:39 Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin

6. Ano ang sinasabi ng Biblia na dapat nating gawin sa Salita ng Diyos?

Awit 119:11 Ang salita mo’y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo. 

7. Ano ang iba pang mga dahilan kung bakit nararapat na pag-aralan ang Biblia?

Gawa 17:11 Ngayon lalong naging mararangal ang mga ito kay sa mga taga Tesalonica, sapagka’t tinanggap nila ang salita ng buong pagsisikap, at sinisiyasat sa araw-araw ang mga kasulatan, kung tunay nga ang mga bagay na ito

2 Timoteo 2:15 Pagsikapan mong humarap na subok sa Dios, manggagawang walang anomang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan

Karagdagang pag-aaral:

Isaias 8:20 Sa kautusan at sa patotoo! kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanila

Juan 17:17 Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo’y katotohanan. 

8. Habang patuloy tayong natututo sa Salita ng Diyos ano ang magagawa nito para sa atin?

Jeremias 15:16 Ang iyong mga salita ay nangasumpungan, at aking kinain; at ang iyong mga salita sa ganang akin ay katuwaan at kagalakan sa aking puso: sapagka’t ako’y tinawag sa iyong pangalan, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo. 

Roma 15:4 Sapagka’t ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa

Karagdagang pag-aaral:

1 Timoteo 4:16 Magingat ka sa iyong sarili, at sa iyong turo. Manatili ka sa mga bagay na ito; sapagka’t sa paggawa nito ay ang iyo ring sarili ang ililigtas mo at pati ng mga nagsisipakinig sa iyo. 

9. Maraming beses sa araling ito nabanggit natin ang salita ng Diyos; sino ang salita?

Juan 1:1 Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios

Juan 1:14 At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan. 

Ang Salita ng Diyos ay hindi lamang isang aklat. Ang salita ng Diyos ay isang persona, katulad ni Jesu-Cristo, at ang nakasulat na Salita ay naghahayag ng Kaniyang katangian.

10. Dahil mapanganib na ibatay ang ating mga paniniwala sa isang talata lamang ng Kasulatan, ano ang dapat nating gawin?

Isaias 28:9 Kanino siya magtuturo ng kaalaman? at kanino niya ipatatalastas ang balita? silang nangalayo sa gatas, at nangahiwalay sa suso? 

Isaias 28:10 Sapagka’t utos at utos: utos at utos; bilin at bilin, bilin at bilin; dito’y kaunti, doo’y kaunti

1 Corinto 2:13 Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na iniwawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu

11. Gaano kahalaga ang manalangin para sa patnubay ng Banal na Espiritu bago tayo mag-aral ng Biblia?

Juan 14:26 Datapuwa’t ang Mangaaliw, sa makatuwid baga’y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo’y aking sinabi. 

Juan 16:13 Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating

Karagdagang pag-aaral:

1 Corinto 2:10 Nguni’t ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu; sapagka’t nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo, ang malalalim na mga bagay ng Dios. 

1 Corinto 2:14 Nguni’t ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka’t ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka’t ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu

Roma 8:14 Sapagka’t ang lahat ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios, ay sila ang mga anak ng Dios. 

12. Ligtas bang tanggapin natin ang paniniwala ng ibang tao sa kung ano ang bumubuo sa katotohanan?

Jeremias 17:5 Ganito ang sabi ng Panginoon: Sumpain ang tao na tumitiwala sa tao, at ginagawang laman ang kaniyang bisig, at ang puso ay humihiwalay sa Panginoon. 

Karagdagang pag-aaral:

Gawa 17:11 Ngayon lalong naging mararangal ang mga ito kay sa mga taga Tesalonica, sapagka’t tinanggap nila ang salita ng buong pagsisikap, at sinisiyasat sa araw-araw ang mga kasulatan, kung tunay nga ang mga bagay na ito. 

Isaias 30:1 Sa aba ng mga mapanghimagsik na mga anak, sabi ng Panginoon, na nagsisisangguni, nguni’t hindi sa akin; at nangagaalay ng alay, nguni’t hindi sa aking Espiritu, upang makapagdagdag ng kasalanan sa kasalanan.

“Ibinigay ng Diyos sa atin ang Kaniyang Salita upang maunawaan natin ang mga itinuturo nito, at malaman nang personal kung ano ang ipinapagawa Niya sa atin….Hindi sapat ang magkaroon ng mabubuting hangarin; hindi sapat ang gawin kung anong iniisip na tama ng isang tao, o kung anong sinasabi ng ministro sa kaniya na tama. Ang kaligtasan ng kaniyang kaluluwa ay nanganganib, at dapat siyang personal na magsaliksik ng kasulatan. Gaano man katibay ang kaniyang mga paniniwala, gaano man siya katiwala na alam ng ministro kung ano ang katotohanan, hindi ito ang kaniyang saligan. Meron siyang map na nagtuturo sa lahat ng palatandaan ng daang patungo sa langit, at hindi siya dapat humula-hula ng kahit ano. Pangunahin at pinakamataas na tungkulin ng bawat nilalang na may pangangatuwiran ang malaman mula sa Kasulatan kung ano ang katotohanan, at pagkatapos ay lalakad sa liwanag, at hihimukin ang iba na tularan ang kaniyang halimbawa. Dapat araw-araw nating pag-aralang masikap ang Biblia, na tinitimbang-timbang ang bawat prinsipyo, at pinaghahambing ang mga talata. Sa tulong ng Diyos, tayo’y dapat personal na bumuo ng ating mga kapasyahan, sapagkat personal tayong mananagot sa Diyos.” The Great Controversy, page 598.