Lesson 8:

Sa nakaraang leksyon ating natuklasan na ang tao ay lumabas sa kamay ng Manlilikha na sakdal, sa parehong panlabas na anyo at sa moral na katangian. Si Adam ay nilikha na may likas na hindi bumagsak, wala siyang likas na pagkahilig o pagkiling sa masama. Mapananatili sana ni Adam ang kaniyang likas na hindi bumagsak tanging sa pamamagitan lamang ng pagsunod sa kautusan ng Diyos, na nabigo naman niyang gawin (Roma 5:12,19). Dahil sa kabiguan ni Adam ang ating likas ay bumagsak at hindi natin magagawang gawing matuwid ang ating mga sarili, kailangan natin ng tulong ng Diyos. Kapag tinanggap natin si Jesus bilang ating Tagapagligtas mula sa kasalanan tayo “ipinanganak na muli” (Juan 3:3), na iyon ay, nagiging kabahagi tayo ng banal na likas (2 Pedro. 1:4). Meron na tayo ngayong pagsasama ng bumagsak na likas at banal na likas at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pagpili maari tayong sumuko sa tukso sa pamamagitan ng mga nasa ng ating bumagsak na likas o maari tayong pasakop sa Diyos (Santiago 4:7) at sumunod sa banal na pag-udyok at mag-buo ng karakter para sa langit (Roma 6:16).

Roma 5:12 Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka’t ang lahat ay nangagkasala: 

Roma 5:19 Sapagka’t kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid. 

Juan 3:3 Sumagot si Jesus at sa kaniya’y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao’y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios. 

2 Pedro 1:4 Na dahil dito ay ipinagkaloob niya sa atin ang kaniyang mahahalaga at napakadakilang pangako; upang sa pamamagitan ng mga ito ay makabahagi kayo sa kabanalang mula sa Dios, yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanglibutan dahil sa masamang pita. 

Santiago 4:7 Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa’t magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo. 

Roma 6:16 Hindi baga ninyo nalalaman, na kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili na pinaka alipin upang tumalima ay kayo’y mga alipin niyaong inyong tinatalima; maging ng kasalanan sa ikamamatay, maging ng pagtalima sa ikapagiging matuwid? 

Ano naman ang tungkol sa katauhang likas ni Jesus? Sa paanong paraan natin Siya katulad at sa paanong paraan Siya kaka-iba? Ang Kaniya bang katauhang likas ay gaya ng hindi bumagsak o bumagsak na likas ni Adam? Kailangan nating maunawaan ang sagot sa mga tanong na ito, sapagkat ito ay makaka-apekto sa kalalabasa ng ating pang-walang hanggang kapalaran.

1. Si Jesus ba ay ipinanganak sa sanlibutang ito na may makasalanang likas (bumagsak na likas)?

Roma 8:3 Sapagka’t ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan: 

Pagkatapos magkasala ni Adam bawat isang ipinanganak sa sanlibutang ito ay mayroong likas na bumagsak, kabilang na si Jesus. Ang kaibahan lamang ng pagkapanganak kay Jesus ay ipinanganak Siyang may banal at bumagsak na mga likas. Ipinanganak Siyang sanggol katulad natin kapag tayo ay ipinanganak na muli.

Ang “hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan” ay nangangahulugang ang mabuhay na walang kasalanan sa makasalanang laman, ang magpakita ng sakdal na pagsunod sa Kautusan ng Diyos.

2. Bagamat si Jesus ay Diyos, anong anyo ang kusa Niyang kinuha para sa Kaniyang sarili?

Filipos 2:5 Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito’y na kay Cristo Jesus din naman: 

Filipos 2:6 Na siya, bagama’t nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, 

Filipos 2:7 Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: 

Karagdagang pag-aaral:

Roma 1:3 Tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman,

Juan 1:14 At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan. 

3. Nauunawaan ba ni Jesus ang mga tukso na dapat nating harapin? Nauunawaan ba Niya ang ating mga damdamin ng kahinaan sa pagsunod sa Diyos?

Hebreo 4:15 Sapagka’t tayo’y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma’y walang kasalanan. 

Kung si Jesus ay mayroong likas na hindi bumagsak, hindi sana Siya matutukso ng gaya natin, sapagkat mayroon tayong likas na hilig sa kasamaan. Subalit salamat sa Diyos na Siya ay katulad natin, na hindi kailanman sumuko sa makasalang nasa. Ginawa Niya ito sa pamamagitan ng lubos na pagtitiwala sa Kaniyang makalangit na Ama (Juan 5:19,30), kaya dapat din tayo (Juan 15:5). Walang ginamit si Jesus na kapangyarihan upang mabuhay ng banal na hindi Niya ini-aalok sa ating walang bayad.

Juan 5:19 Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi makagagawa ang Anak ng anoman sa kaniyang sarili kundi ang makita niyang gawin ng Ama; sapagka’t ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa, ay ang mga ito rin naman ang ginagawa ng Anak sa gayon ding paraan. 

Juan 5:30 Hindi ako makagagawa ng anoman sa aking sarili: humahatol ako ayon sa aking naririnig: at ang paghatol ko’y matuwid; sapagka’t hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin. 

Juan 15:5 Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako’y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka’t kung kayo’y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa. 

4. Paano tayo tinukoy at kinilala ni Jesus?

Hebreo 2:11 Sapagka’t ang nagpapagingbanal at ang mga pinapagingbanal ay pawang sa isa: na dahil dito’y hindi siya nahihiyang tawagin silang mga kapatid.

Karagdagang pag-aaral:

Hebreo 10:10 Sa kaloobang yaon tayo’y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man. 

5. Upang si Jesus ay ating maging isang mahabagin at tapat na saserdote, ano ang ipinahintulot Niyang gawin?

Hebreo 2:14 Dahil sa ang mga anak ay mga may bahagi sa laman at dugo, siya nama’y gayon ding nakabahagi sa mga ito; upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang malipol yaong may paghahari sa kamatayan, sa makatuwid ay ang diablo: 

Hebreo 2:15 At mailigtas silang lahat na dahil sa takot sa kamatayan ay nangasailalim ng pagkaalipin sa buong buhay nila. 

Hebreo 2:16 Sapagka’t tunay na hindi niya tinutulungan ang mga anghel, kundi tinutulungan niya ang binhi ni Abraham. 

Hebreo 2:17 Kaya’t nararapat sa kaniya na sa lahat ng mga bagay ay matulad sa kaniyang mga kapatid, upang maging isang dakilang saserdoteng maawain at tapat sa mga bagay na nauukol sa Dios, upang gumawa ng pangpalubag-loob patungkol sa mga kasalanan ng bayan. 

Ang mga banal na anghel ay mayroong likas na hindi bumagsak. Dahil sila ay hindi bumagsak hindi nila kailangan ng pagliligtas. Si Jesus ay dapat maging gaya ng Kaniyang mga ililigtas (mga taong bumagsak), kung hindi, ito ay wala ding pakinabang.

6. Bakit mahalaga na ating sampalatayanan na si Jesus ay naparito sa bumagsak na likas ng tao?

1 Juan 4:2 Dito’y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: ang bawa’t espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios: 

1 Juan 4:3 At ang bawa’t espiritung hindi ipinahahayag si Jesus, ay hindi sa Dios: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; at ngayo’y nasa sanglibutan na. 

Ang salitang laman sa original na Griego ay nangangahulugang “katauhang likas kasama na ang mga kahinaan at mga hilig nito, makalaman.” Parehong Griegong salita ang ginamit sa buong Bagong Tipan sa salitang laman maliban na lamang sa dalawang mga pagkakataon na ito ay tumutukoy sa laman ng mga hayop (Roma 14:21; 1 Corinto 8:13).

Roma 14:21 Mabuti ang huwag kumain ng lamangkati, ni uminom ng alak, ni gumawa ng anoman na katitisuran ng iyong kapatid. 

1 Corinto 8:13 Kaya, kung ang pagkain ay nakapagpapatisod sa aking kapatid, kailan man ay hindi ako kakain ng lamang-kati, upang ako’y huwag makapagpatisod sa aking kapatid. 

7. Anong tawag ng Biblia sa mga taong hindi nagtuturo na si Jesus ay may likas na katulad ng sa bumagsak na katauhan, at ano ang dapat maging saloobin natin sa kanila?

2 Juan 1:7 Sapagka’t maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo. 

8. Si Jesus ay naging ano para sa ating kapakinabangan?

2 Corinto 5:21 Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo’y maging sa kaniya’y katuwiran ng Dios. 

Kinuha ni Cristo ang bumagsak nating likas upang maging kabahagi tayo sa Kaniyang banal na likas.

Juan 3:14 At kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas, ay gayon kinakailangang itaas ang Anak ng tao.

Karagdagang pag-aaral:

Bilang 21:4 At sila’y naglakbay mula sa bundok ng Hor na napasa daang patungo sa Dagat na Mapula upang lumiko sa lupain ng Edom; at ang damdamin ng bayan ay nainip dahil sa daan. 

Bilang 21:5 At ang bayan ay nagsalita laban sa Dios at laban kay Moises: Bakit ninyo kami pinasampa mula sa Egipto, upang mamatay sa ilang? sapagka’t walang tinapay at walang tubig; at ang aming kaluluwa ay nasusuya na sa manang ito. 

Bilang 21:6 At ang Panginoon ay nagsugo ng mababangis na ahas sa gitna ng bayan, at kanilang kinagat ang bayan: at maraming tao sa Israel ay namatay. 

Bilang 21:7 At ang bayan ay naparoon kay Moises, at nagsabi, Kami ay nagkasala, sapagka’t kami ay nagsalita laban sa Panginoon, at laban sa iyo; idalangin mo sa Panginoon, na kaniyang alisin sa amin ang mga ahas. At idinalangin ni Moises ang bayan. 

Bilang 21:8 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Gumawa ka ng isang mabagsik na ahas at ipatong mo sa isang tikin: at mangyayari, na bawa’t taong makagat, ay mabubuhay pag tumingin doon. 

Bilang 21:9 At si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso, 

Kung tayo ay titingin kay Jesus at magtitiwala sa Kaniya, tayo ay gagaling mula sa kagat ng ahas ng kasalanan.

9. Paano tayo nakikibahagi sa banal na likas ni Jesus?

2 Pedro 1:4 Na dahil dito ay ipinagkaloob niya sa atin ang kaniyang mahahalaga at napakadakilang pangako; upang sa pamamagitan ng mga ito ay makabahagi kayo sa kabanalang mula sa Dios, yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanglibutan dahil sa masamang pita. 

Sa pag-aangkin ng mga pangako ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya, tayo ay nakikibahagi sa Kaniyang banal na likas. Ang makibahagi ay nangangahulugang makilahok. Mayroon tayong gagawin. Kinakailangan nating makipagtulungan sa Diyos sa ating sariling kaligtasan sa pamamagitan ng pag-aaral kung ano ang mga hinihiling Niya at maging masunurin sa katotohanan na Kaniyang inihahayag sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

10. Anong nangyayari sa atin kung tayo ay “na kay Cristo”?

2 Corinto 5:17 Kaya’t kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya’y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila’y pawang naging mga bago. 

Ang maging “na kay Cristo” ay nangangahulugang pakikipag-kaisa o pakikipag-ugnay kay Cristo. Ang mga dating bagay ay nagsilipas na – ang mga tanikala ng masasamang nakasanayan ay nahapak na. Ang mga masasamang silakbo ng damdamin at likas na hilig ay maaalis na at magkakaroon tayo ng kapangyarihan na mabuhay ng buhay ni Cristo, sapagkat tayo ay pinagkalooban na ng isip ni Cristo (Filipos 2:5; Roma 12:2).  Ang laman sa kaniyang sarili ay hindi nagkakasala, kailangan nito ng pahintulot ng isip. Ang ating makasalanang likas ay may pagkahilig sa kasalanan at gagamitin ito ni Satanas upang tuksuhin tayo na sumuko sa masama, subalit kung mayoon tayong isip ni Cristo tayo ay magpapasakop sa halip sa Diyos (Roma 8:1-5).

Filipos 2:5 Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito’y na kay Cristo Jesus din naman.

Roma 12:2 At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios. 

Roma 8:1 Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus. 

Roma 8:2 Sapagka’t ang kautusan ng Espiritu ng buhay na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan. 

Roma 8:3 Sapagka’t ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan: 

Roma 8:4 Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi nangagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu. 

Roma 8:5 Sapagka’t ang mga ayon sa laman ay nangagsisitalima sa mga bagay ng laman; datapuwa’t ang mga ayon sa Espiritu ay sa mga bagay ng Espiritu. 

11. Sapagkat ang kasalanan ay nagmumula sa isipan, anong dapat nating gawin kung mayroon tayong masasamang pag-iisip?

2 Corinto 10:5 Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawa’t bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo.

Karagdagang pag-aaral:

Hebreo 4:12 Sapagka’t ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso. 

Walang anuman kay Cristo na tumugon sa mga pandaraya ni Satanas. Hindi Niya ipinahintulot na magkasala. Kahit sa isip ay hindi Siya sumuko sa tukso, gayon din nawa sana sa atin. Kapag may masasamang kaisipan na pumapasok sa isip ang mga ito ay hindi nagiging kasalanan hanggang sa ang mga ito ay pagtuunan ng pansin at sumuko dito. Kung tayo ay gagawa upang pigilan ang masasamang kaisipan at damdamin, na hindi nagbibigay pahiwatig sa mga ito sa mga sa mga salita o sa mga kilos, si Satanas ay matatalo.

“Palibhasa’y naparito si Jesus upang makipamayan sa atin, batid nating bihasa ang Diyos sa ating mga kahirapan, at nakikiramay Siya sa ating mga kadalamhatian. Bawa’t anak ni Adan ay makaaalam na ang Maykapal ay kaibigan ng mga makasalanan. Sapagka’t sa bawa’t aralin ng biyaya, sa bawa’t pangako ng kaligayahan, sa bawa’t gawa ng pag-ibig, at sa bawa’t pang-akit na nahayag sa buhay ng Tagapagligtas sa lupa, ay nakikita nating “Sumasaatin ang Diyos.” 

Ang kautusan ng Diyos ay ipinakikilala ni Satanas na isang kautusan ng pananakim o pagkamakasarili. Sinasabi niyang hinding-hindi natin masusunod ang mga utos na ito. Ang pagkahulog sa kasalanan ng ating unang mga magulang, lakip ang lahat ng ibinungang kahirapan, ay isinisisi niya sa Maykapal, na inaakay ang mga tao na ituring nila ang Diyos na siyang may kagagawan ng kasalanan, at paghihirap, at kamatayan. Ang pagdarayang ito ay siyang ilalantad ni Jesus. Bilang isa sa atin ay Siya ang magpapakita ng halimbawa ng pagiging masunurin. Ito ang dahilan kaya ibinihis Niya ang ating pagkatao at dumaan sa ating mga karanasan. “Sa lahat ng mga bagay ay nararapat Siyang matulad sa Kaniyang mga kapatid.” Hebreo 2:17. Kung tayo’y magbabata ng anumang bagay na hindi binata ni Jesus, ipangangalandakan nga ni Satanas na ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi makasasapat sa atin. Dahil dito’y si Jesus ay “tinukso sa lahat ng paraang gaya rin naman natin.” Hebreo 4:15. Tiniis Niya ang lahat ng pagsubok na darating sa atin. At wala Siyang ginamit na kapangyarihan para sa Kaniya na hindi naman ibinibigay sa atin nang walang-bayad. Sa Kaniyang pagiging-tao, ay sinagupa Niya ang tukso, at nanagumpay naman sa pamamagitan ng lakas na ibinigay sa Kaniya ng Diyos. Ang wika Niya, “Aking kinalulugurang sundin ang Iyong kalooban, O Diyos Ko: Oo, ang Iyong kautusan ay nasa loob ng Aking puso.” Awit 40:8. Sa Kaniyang mga paglilibot na gumagawa nang mabuti, at pinagagaling ang lahat ng mga pinahihirapan ni Satanas, ay pinalinaw Niya sa mga tao ang likas ng kautusan ng Diyos at ang uri ng Kaniyang paglilingkod. Ang Kaniyang kabuhayan ay saksing tayo man ay makasusunod din sa kautusan ng Diyos.” -The Desire of Ages, page 24.