Ang munting aklat na ito ay mula sa panulat ni Gng. Ellen G. White (1827-1915), siya ang may-akda ng mahigit sa 130 aklat, na karamihan ay natipon mula sa kanyang mga isinulat at nailathala nang siya ay pumanaw na. Sa mga babaeng may-akda, siya ang may pinakamaraming naisaling gawa. Ang mga ito ay makikita sa higit na 150 wika. Kinasihan ng Diyos, itinaas niya si Jesus at patuloy na itinuro ang Banal na Kasulatan bilang batayan ng pananampalataya.
Ang ilan sa kanyang mga isinulat na naisalin na sa wikang Filipino ay walang bayad na mababasa dito.